Sa lakas nang pagkakatulak sa akin ni Madame Sylvia ay halos tumilapon ako, nauntog ang likuran ko sa dingding ng Coffee Brew Project na siyang gawa sa matibay na salamin. Yumanig iyon, kaya hindi na ako nagtaka nang sabay-sabay na mapalingon sa gawi namin ang mga customer sa loob. Nawalan ako ng balanse, rason din upang dumausdos ako at natumba. Sa oras na iyon ay natahimik ang paligid, wala akong marinig o sadyang nabingi lang ako sa lakas ng pagpintig ng puso ko. Nang mag-angat ako ng tingin kay Madame Sylvia ay nakita kong idinuduro pa niya ako. Panay ang buka ng kaniyang labi ngunit hindi ko naman marinig kung ano iyong sinasabi nito. Bumagal ang paghinga ko, para lang akong naparalisa at hindi makagalaw sa kinasasadlakan. Mayamaya pa nang bumukas ang pintuan sa coffee shop, lumab

