It was a rough trip for her. Kung saan-saan sila bumaba at sumakay. Naka limang lipat yata sila ng sasakyan hanggang sa marating nila ang nakalapag na isang helicopter na agad nilang sinakyan. Kahit sumasakit na ang ulo niya ay pinili niyang 'wag na lang din umimik dahil kampante siyang hindi siya ipapahamak ng mga kasama niya. Hanggang sa naging malinaw sa paningin niya ang isang isla na may mapuputing buhangin. Ang modernong bahay na pamilyar na pamilyar sa kanya at ang isang lalaking nakatingala habang sumasabay sa hangin na dulot ng sinasakyan niyang helicopter ang suot nitong damit na kulay puti at itim na board shorts. He looks dashing even from afar. Even though she troubled her heart and mind, there's still a beat left for her to feel the happiness like finally...Elijah and her

