They just made out a bit at the kitchen before he dragged her out of the unit and went to where the presidential suite floor was. Tumigil sila sa isang itim na pinto. "Open it." She pursed her lips before looking at him knowingly. "Anong meron sa loob?" Tumawa ito na parang maging ito ay may nararamdaman na cringe sa kung ano ang nasa loob ng kwarto. "Buksan mo na lang, Avery. Sige na," tudyok nito sa kanya. Tumawa na muna siya bago inilipat ang tingin sa siradura ng pinto at pinihit pabukas. Pagkabukas pa lamang niya ay may mabangong amoy na siyang nalanghap. Hanggang sa mabuksan niya ito ay may mga mga nagkalat na scented candles at red petals. Awang ang bibig niya sinarang muli ang pinto at hinarap si Elijah na natatawa. "What?" he asked, raising one of his eyebrows. Tinuro n

