Sabay silang napalingon sa biglang isang katok ng pinto. "Leandro's back," boses ng ama niya ang kanilang narinig na hindi na rin naulit pa siguro ay umalis na rin ito para hindi sila mahalata. Marahan niyang naitulak si Elijah upang makaalis siya mula sa pagkakaupo sa sink at maayos tumayo. Inayos niya rin ang kanyang suot na damit na bahagyang umangat dahil sa pag-upo niya. "I'll go out first. Sumunod ka na lang mamaya," utos niya at kumawa na sa pagkakakulong niya sa katawan nito. Their eyes met and she felt guilty for the hurt she's seeing in his eyes. Binalewala na lamang niya ito at pinili ang tuluyan na lumabas. Bigla lang din siyang kinabahan sa rason kung bakit bumalik agad si Leandro. Akala niya ay matatagalan pa ito dahil sa Madrid ang punta. Naabutan niya itong kausap

