Maliwanag pa ngunit alam mong malapit na bumaba ang araw habang patungo sila sa dagat. Karga siya ni Elijah habang mahigpit ang yakap niya sa leeg nito. Panay rin ang singhot niya sa leeg nito dahil sa natural nitong bango. Wala rin talagang pangit sa lalaking ito. Kahit siguro utot ay mabango pa rin. Hindi niya pa kasi naaamoy. "Umuutot ka ba?" walang pag-iisip at deritsong sambit niya. Malakas lamang itong tumawa. Mas lalong hinapit ang puwetan niya. Nasa binti na nito ang lalim ng tubig dagat. "Anong tanong 'yan, Avery? Syempre." Bahagya na rin siyang natawa,, "Weh? Ba't hindi ko napapansin?" "That's called decency. I would never fart in front of you." She pouted. Siguro nga. Kahit gaano ito kawalang hiya noon ay lagi pa rin naman ang respeto sa kapwa. "Hindi naman ako magagalit,

