KABANATA 6 - HE SAID

4844 Words
LUNES NA AT balik eskwela na uli. Pakiramdam ko ay wala akong ganang pumasok ngayon dahil sa nangyari. Wala akong mukhang maiharap sa mga kaklase ko dahil tiyak na meron na naman silang sasabihin sa akin na masama. Alam ko na pansin ni Papa na may kakaiba sa akin, pero hindi ako nagsasalita. Tanong siya ng tanong tungkol sa fieldtrip ko. Kung nag-enjoy ba ako. Kung nakunan ko daw ba ang mga lugar na pinuntahan namin. Kung meron na daw ba akong naging kaibigan. I lied. I lied to him. Gumawa ako ng kwento at kunwari ay sobra akong nag-enjoy. Ayoko ng mag-alala pa si Papa sa problema ko at baka makagawa pa ng eskandalo. Mahigpit na hawak ko ang hand bag ko. Humugot ako ng maraming hangin habang nakatayo sa tapat ng pintuan ng room namin. Kinakabahan ako na pumasok. Pero malapit na ang oras ng klase namin. Napahakbang ako habang nakayuko. Nanginginig ang kamay ko na binuksan ang pinto at pinihit. Kailangan kong tapangan ngayon dahil tiyak na mas malala pa ang matatanggap kong pambubully. Nang mabuksan ko na ang pinto ay humakbang na ako papasok habang nakayuko. Napakatahimik. Dahan, dahan akong nag-angat ng tingin at nakita kong nakatingin sa akin lahat ng kaklase ko. Nagsimula na silang magbulungan at napatingin ako kela Amy na ngumisi sa akin at may tingin sila na pinupukol sa akin tila ba lalo nila akong kinadirian. Napatingin ako kay Darrel at nakatingin lamang siya sa labas ng bintana. Napayuko uli ako at humakbang papasok. Nagbubulungan sila pero pinilit kong 'wag pansinin iyon. Nang maupo ako sa upuan ko ay napatingin ako desk ko at may nakasulat doon na ginamitan nang chalk at pentelpen. May sugar kuya si Anna. You slut. Alam na ng buong school kung gaano ka kalandi. Napakuyom ako ng kamay at nangilid ang luha ko. Pinilit kong burahin iyon pero ang chalk lang ang nabura at may nakasulat pa rin na slut. Napatayo ako at napahampas sa lamesa ko. Umiiyak na nag-angat ako ng tingin at napatingin sa mga kaklase ko. "Hindi totoo ang sinasabi niyo! Walang namamagitan sa amin ni Mister Dante!" sigaw ko. "Oh, really?" Napatingin ako kay Amy na tumayo mula sa pagkakaupo niya sa upuan niya. Lumapit siya sa akin habang nakahalukipkip. "Kung walang namamagitan sa inyo, bakit ka niya hinalikan sa harap naming lahat at sa harap pa mismo ni Darrel? At sa tent. Nakita ko na lumabas si Mr. Dante sa tent mo. Anong gusto mong isipin namin na nag-jack-en-poy lang kayo sa loob ng tent mo buong gabi?" tanong niya. Ngumisi si Amy at nagkanya kanyang komento ang mga kaklase ko sa pandidiri sa akin. "Mali ka ng iniisip mo.." tanging nasabi ko na lang habang umiiyak. Napatingin ako kay Darrel ng malakas na gumalaw ang inuupuan niya nung tumayo siya. Nakapamulsa na lumakad siya at tuloy, tuloy na lumabas ng room. "Dapat sa 'yo ay pinapatalsik sa school. Fourth year high school ka palang pero hindi ka na magandang halimbawa. Pinatulan mo talaga si Mr. Dante Soriano na halos kuya na natin. Well, I heard he's young billioner, agent, and businessman. Kaya hindi kita masisisi kung nilandi mo siya para makasalo sa karangyaan niya." sabi ni Amy. Agad akong napaalis sa table ko habang bitbit ang bag ko. Umiiyak na umalis ako ng room upang habulin si Darrel. Kailangan kong magpaliwanag sa kanya. Kahit siya lang ay maniwala sa akin ay ayos na. Nakita ko siyang pababa ng hagdan kaya agad ko siyang hinabol. "Darrel!" tawag ko kaya napahinto siya. Huminto ako at huminga ng malalim habang nangingilid ang mga luha ko, "'W-'wag kang maniwala, please. Magpapaliwanag ako." sabi ko. Humigpit ang hawak ko sa bag ko habang nakatingin sa kanya na nakatalikod sa akin. "Wala akong pakialam." malamig niyang sabi na kinalamig ko. "D-Darrel.." sambit ko habang parang unti-unting pinipiraso ang puso ko. "Hindi mo na kailangan na magpaliwanag dahil wala akong pakialam kung ano man ang namamagitan sa inyo ni Sir Dante.." lumingon siya habang seryosong nakatingin sa akin, "don't talk to me anymore." dagdag pa niya. Napamaang ako at sunod, sunod na nagpatakan ang luha ko habang nakatingin sa kanya na naglalakad na palayo sa akin. Napahawak ako sa bakal na harang ng hagdan dahil para akong matutumba sa panlalata ng tuhod ko. Ang sakit. Wala na ni isa ang naniniwala sa akin. Pakiramdam ko ay namutla ako dahil sa sinabi ni Darrel. Napahawak ako sa bibig ko at mabilis na bumaba ng hagdan.. Umiiyak ako na tumakbo at nagtungo ako sa lugar na walang makakakita ng pag-iyak ko. Pagdating sa rooftop ay napahawak ako sa pader at nakita ko ang kalapit na mga bahay sa school at establisyamento. Napahagulgol ako habang paulit-ulit na nag-e-echo sa akin ang lahat ng sinabi ng mga kaklase ko at ni Darrel. Kasalanan 'to ni Dante. Kung hindi niya ako hinalikan ay sana ayos pa kami ni Darrel. Sana ay walang ibang ibabato na masama sa akin sila Amy. At sana ay nalaman ko kung ano nga ba ang nais na sabihin sa akin ni Darrel ng araw na iyon. "I hate you! Sinira mo ang lahat ng pag-asa kong mapalapit kay Darrel! At mas lalo mo lang akong nilagay sa alanganin, Dante. Hinding-hindi na kita gustong makita pa." sabi ko habang umiiyak. Napatalikod ako sa tanawin at napaupo ako bago napasandal sa pader. Patuloy lamang ako sa pag-iyak habang pinapalipas ang magdamag na klase. Wala akong mukhang maihaharap sa lahat dahil tiyak na hindi ako titigilan nila Amy at hindi rin ako makakapagpokus sa pag-aaral. Sinubsob ko ang ulo ko sa tuhod ko habang yakap ko ang mga binti ko. Anong gagawin ko? Kailan ba matatapos ang lahat ng ito? Sana ay naging invisible na lang ako sa paningin ng lahat para naman hindi na ako ang palaging pangunahing atensyon nila. Nag-ring ang cellphone ko pero hindi ko sinasagot. Napatingala ako sa langit at nagkukulay kahel na ang kalangitan. Hapon na pala at ang tagal ko na palang nagbuhos ng luha at inisip ang lahat ng nangyari rito sa rooftop. Nanlalata na tumayo ako at napahawak ako sa braso ko bago napalingon sa tanawin. Napahinga ako ng malalim at napunas ng luha bago humakbang paalis ng rooftop para makauwi na. Hindi ko muna tinawagan si Manong para makapaglakad-lakad muna ako at maalis sa mata ko ang pag-iyak ko. Wala ng masyadong estudyante sa paligid kaya nakakapaglakad ako na hindi nakikita ng mga kaklase ko. Napaangat ako ng tingin ng makalabas ako ng gate at napahinto ako sa paglalakad ng mapansin ko ang pamilyar na mamahaling kotse. Bumukas ang pinto no'n at bumaba doon si Dante. Kaya agad akong umiwas ng tingin at mabilis na naglakad sa ibang direksyon para iwasan siya. "Anna." mariing tawag niya sa pangalan ko. Lumingon ako at agad akong tumakbo ng malamang susundan niya ako. Sinukbit ko sa balikat ko ang bag ko at mabilis na tumakbo ng bumalik siya sa kotse niya. Bakit ba narito siya? Sinabi ko nang ayoko na siyang makita pa. Narinig ko ang humaharurot na kotse kaya tumakbo ako sa daan na 'no left turn' ang nakalagay sa sign. Pero binilisan ko pa rin ang takbo para hindi na niya ako masundan. Pero napahinto ako at nabigla ng makarating ako sa dulo nitong daan ay siya namang preno ng kotse ni Dante na naabutan agad ako. Napaatras ako lalo na ng marahas na bumaba siya. Tumalikod ako pero bago pa ako makahakbang ay humawak na siya sa braso ko. "Let me go!" hinawakan ko ang kamay niya para alisin sa braso ko pero nabigla ako ng iharap niya ako sa kanya. "Let's talk, Anna." aniya habang seryosong nakatingin sa akin. Nagpumiglas ako at hinampas ko siya sa dibdib bago ako napaiyak. "Ayoko nang makausap ka! Dahil sa 'yo kaya lalo akong nilalayuan ng mga kaklase ko!" Hinatak niya ako pero ayokong sumunod. Pinangko niya ako kaya wala na akong nagawa ng makalapit agad siya sa passenger seat. Binuksan niya ang pinto at pinasok ako sa loob. Napayuko ako habang tahimik na umiiyak. Kinabitan niya ako ng seatbelt at napahinga siya ng malalim. Ambang pupunasan niya ang luha ko ay hinawi ko ang kamay niya at umiwas ako ng tingin sa kanya. "Bababa ako." sabi ko. "No. We need to talk." aniya at sinara ang pinto. Agad siyang nakarating sa driver seat at pansin ko na hindi siya naka-uniform ngayon ng agent. Medyo maayos ang gayak niya dahil naka-long sleeve siya na itim na tinupi ang dulo ng manggas hanggang siko at bukas ang tatlong butones na kinalitaw ng dibdib niya habang may kwintas na suot din siya na may design na krus. Naka-white slacks siya with black belt. Nakasuot din siya ng brown leather shoes. Nakahawak ako sa bag ko na nasa kandungan ko habang nakatingin lang sa bintana. Natuyo na ang luha ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Dante. Tahimik lang din siya habang banayad lang ang takbo ng kotse niya. Huminto ang kotse at napansin ko na narito kami malapit sa baba ng tulay sa lake. "Kumain ka na ba? Gusto mo bang kumain tayo sa restaurant?" tanong niya mula sa katahimikan. "Ayoko. Gusto ko na lang umuwi." nakatingin pa rin ako sa bintana at kita ko ang papalubog na araw. "Okay, magpapa-deliver na lang ako.." sabi niya. Inis na tumingin ako sa kanya habang nakakuyom ang mga kamay ko. "Bakit mo ginawa iyon?! Dahil sa 'yo ay pinag-iisipan ako ng masama ng mga kaklase ko!" galit kong sabi. Nakatingin siya sa cellphone niya na balak sanang tumawag sa restaurant na nais niya, "kahit anong gawin kong paliwanag sa kanila ay hindi sila naniniwala na wala naman talaga namamagitan sa--" pagpapatuloy ko ngunit pinutol niya ako. "I love you." Natigilan ako sa sinabi niya. Tumingin siya sa akin tila ba seryosong-seryoso siya sa sinabi niya. Natawa ako at napailing. "Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ako---" sabi ko ngunit naputol uli ng magsalita uli siya. "I'm serious, Anna. I love you. I want you. You are my girl." sabi niya. Umiling ako at inalis ko ang seatbelt ko at binuksan ang pinto. Agad akong bumaba at aalis sana ako ng umikot siya sa likod. Napaatras ako ng lumapit siya sa akin. "Hindi kita gusto. Alam mo ba ang sinasabi mo?" tinuro ko pa siya at ako, "malayo ang edad natin at ayoko ng gano'n. Ayoko sa 'yo!" dagdag ko pa. Lumapit pa siya at huminto sa harap ko. Napasandal ako sa pinto ng kotse ng ipatong niya ang dalawang kamay sa bubong ng kotse niya habang nasa magkabilang gilid ko ito. Umiwas ako ng tingin ng pagpantayin niya ang mukha namin. "Hindi mahalaga ang edad, Anna. Kaya kitang alagaan at protektahan kesa naman sa lalakeng nagugustuhan mo. Kaya kong ibigay lahat sa 'yo. Sinisiguro ko sa 'yo na sa lahat ng babae sa mundo, ipapakita ko na ikaw ang pinakaswerte, dahil iyon ang ipaparamdam ko sa 'yo kapag minahal mo ako. Eight years lang ang age gap natin kaya walang kaso 'yon. Mahal kita at gusto kong akin ka lang." tugon niya. Tumingin ako sa kanya habang nangingilid ang luha ko.. Nakatingin siya sa mga mata ko. "Ayoko." umiling ako at humawak ako sa isang braso niya para alisin at para makaalis ako sa pagkukulong niya sa akin. Nabigla ako ng hawakan niya ang mukha ko at napasinghap ako ng halikan niya ako sa labi. Umiwas ako at humawak sa dibdib niya para itulak siya pero hinabol niya ang labi ko at hinapit ako palapit sa kanya habang nakayakap na siya sa akin. Para akong hindi makahinga habang malagkit niyang sinasakop ang labi ko ng halik at halos wala ng space sa pagitan namin sa sobrang higpit ng yakap niya. "D-Dante hmmp! T-tama na please." pakiusap ko. Tumigil sya sa paghalik pero nakalapat pa rin ang labi niya sa akin. Yumuko ako kaya naalis ang labi niya. "Huwag mo akong pipigilan na lumayo sa 'yo dahil hindi ko gagawin. Magkikita pa rin tayo at hindi mo ako tatakbuhan, Anna." hinalikan niya ang noo ko pagkasabi niya no'n at niyakap ako habang haplos ang buhok ko. Napaiyak ako dahil kahit anong tanggi ko ay napapanatag ang loob ko habang nasa bisig niya. Parang hindi ako masasaktan kapag siya ang kasama ko. Tinignan niya ako at muli akong hinalikan kaya hinawi ko ang mukha niya at tinakpan ko ang labi ko. "Huwag mo akong halikan. Magagalit ang Papa ko kapag nalaman niya ito." sabi ko. Ngumiti siya at pinunasan ang luha ko, "Magalit siya kapag kinuha na kita sa kanya. Pero ang halikan ka na hindi naman niya nalalaman at nakikita ay ayos lang. Sa ating dalawa lang ito." sabi niya. "Bakit mo naman ako kukunin kay Papa?" tanong ko. Tumingin siya sa aking mga mata at ngumiti. Bumilis ang t***k ng puso ko habang nakatingin sa kanya. Mas lalo siyang kumisig sa paningin ko dahil may kakisigan talaga siyang taglay. Kahit nakangiti o seryoso man ay ang lakas ng dating niya. Hindi niya sinagot ang tanong ko at hinalikan niya uli ako kaya napapikit ako. Sinipsip niya ang labi ko kaya napahawak ako sa dibdib niya ng pumalibot ang kamay niya sa baywang ko. Gumapang halik niya sa gilid ng labi ko at napaiwas ako ng gumapang naman ang labi niya sa tainga ko. "Gusto mo bang ilipat kita ng classroom?" sabi niya kaya napadilat ako. Inipit niya ang ilang hibla ng buhok ko sa tainga ko at muli siyang humawak sa baywang ko. "B-bakit mo naman gagawin 'yon? Tsaka hindi p'wede dahil 'yon na ang section ko." tanong at sabi ko. "Ayoko na binubully ka at para malayo ka na sa payatot mong crush." sabi niya. "Hindi mo naman magagawa 'yon. Mahigpit ang school tungkol doon. At bakit mo naman ako ilalayo kay Darrel?" sabi ko. Binitawan niya ang baywang ko na lihim kong kinahinga ng maluwag. Parang may kuryenteng dumadaloy sa akin habang nakalapat ang mga kamay niya sa katawan ko. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila ako. Naupo siya sa harapan ng kotse niya. Pinatalikod niya ako sa kanya at niyakap kaya napasandal ako sa kanya. "Magagawa ko 'yon para sa 'yo. At para mawala na sa balakid ko ang payatot na 'yon." aniya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Kumakabog ang dibdib ko habang nakatingin sa mga braso niyang nakayakap sa akin, "Oh." bigla niyang sabi. Naalis ang isang kamay niya sa pagkakayakap sa akin at nakita ko na kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng slacks niya, "Magpapa-deliver ako ng pagkain. Dito na lang tayo kumain." dagdag niya. "Huwag na." tanggi ko. Hindi niya pinansin ang pagtanggi ko at tinawagan pa rin niya ang delivery ng restaurant na tinatawagan niya. Napahinga ako ng malalim at napatingin sa lawa. Kitang-kita pala rito ang paglubog ng araw. Nagkukulay kahel ang kalangitan at maging ang lawa. Biglang nagreklamo ang tiyan ko at halos mamula ako sa hiya. Natawa si Dante at hinalikan ako sa pisngi. "See. Even your stomach is crying." sabi niya. Siniko ko siya at inalis ko ang kamay niya sa pagkakayakap sa akin. Hinarap ko siya at tinulak sa dibdib na kinahalakhak niya. Halos mahiga siya sa kotse niya dahil sa pagkakatulak ko. "Hmp! Huwag mo akong pagtawanan. Hindi pa kasi ako nagla-lunch." sabi ko. Napatigil siya sa paghalakhak at sumeryoso siya. "Ano? Bakit hindi ka kumain?" aniya at nasa tono ay tila galit siya. "Kasi nasa rooftop lang ako buong hapon ng klase at para iwasan ang mga kaklase ko." tugon ko. Napahinga siya ng malalim at umalis sa pagkakaupo sa kotse niya. Nagtataka ako ng akayin niya ako at pinapasok uli sa kotse. Nakita ko na nilabas niya ang cellphone niya at may kinausap sa kabilang linya. Matapos no'n ay mabilis siyang umikot sa driver seat at sumakay. "Dante, 'yung order mo.." sabi ko. "Almost 20 minutes pa bago makarating 'yon, kaya kinansel ko na. Sa pad tayo." aniya at pinaandar ang kotse paalis ng lake. "Huh? Anong pad? I-uwi mo na lang ako. Baka hinahanap na ako ni Papa." sabi ko. "Sa penthouse ko. Don't worry, iuuwi din kita pagkatapos mong kumain." sabi niya. Napahinga ako ng malalim dahil kahit tumanggi ako ay siya pa rin ang masusunod. Napatingin ako kay Dante at hindi ko alam kung totoo ba ang sinabi niya na mahal niya ako. Napaka-imposible naman na sa kagaya ko ay magugustuhan ng almost perfect na kagaya niya. Hindi ko na nasundan kung saan kami lugar ngayon. Basta huminto kami sa napakaganda at malaking penthouse na may second floor at rooftop.. Salamin rin ang dingding. Halos white at brown ang kulay ng ilang bahagi ng dingding na gawa sa bato. Parang luxurious penthouse ito at tanaw ang malayong mga building at kabahayan. Sumunod ako sa kanya ng makababa kami ng kotse. Binuksan niya ang pinto ng bahay at inakay ako papasok. Napakalinis ng bahay at ang ganda ng design. Maging ang mga gamit ay malinis at mamahalin. "Wait me here." aniya kaya tumango ako. Umalis siya at hindi ko alam kung saan siya pupunta. Naupo ako sa couch na kulay puti at tumingin ako sa paligid ng living room. Walang mga picture pero merong malaking painting ng isang lake at tulay na mahaba habang may palubog na araw. Parang 'yung pinuntahan lang namin kanina. Nagugutom na ako at nagtagal si Dante sa pag-prepare ng food. Tumayo ako at tinignan ang bawat paligid ng sala. Napalapit ako sa salaming dingding at nakita ko na nagsisimula ng mabuhay ang mga ilaw ng bawat kabahayaan mula sa malayo. Ang sarap sigurong tumira rito. Tahimik, walang kabitbahay na masyadong malapit, at parang makakapag-isip ako katulad ngayon na may pinoproblema ako. "Tara na." Nabigla ako ng magsalita si Dante. Lumingon ako sa kanya at hinawakan niya ako sa kamay bago inakay. Pumasok kami sa isang pinto at nakita ko ang kitchen at pinaka-dinning area ng penthouse niya. Nakita ko sa lamesa na may nakalapag na mga pagkain. "I-ikaw ang nagluto nito?" tanong ko. "Yeah." tugon niya. Namula naman ako ng hawakan niya ako sa baywang at inangat ako para makaupo sa high chair. Naupo siya sa katabi kong high chair at pinaglagay niya ako ng kanin at ulam. Napaisip ako at tumingin sa kanya. "Ikaw ba ang nagluto nung pagkaing pinakain mo sa akin nung lunch sa field trip?" tanong ko. Tumingin siya sa akin, "Hmm." tumango siya at pinagsalin ako ng juice. "Bakit sabi mo ay in-order mo lang sa isang restaurant?" tanong ko uli. Natawa siya at hinarap ako. Nagsisi tuloy ako na sinabi ko pa 'yon. Napayuko ako ng mahinang pisilin niya ang pisngi ko. "Sinabi ko lang 'yon para hindi naman masyadong obvious na pinaghanda ko ang field trip mo." masuyong sabi niya at inipit ang ilang hibla ng buhok ko sa tainga ko.. Gosh! Bakit parang nakakapanlambot naman sa pakiramdam ang ginagawa niya? "G-gano'n ba." sabi ko. Awkward na ngumiti ako at sa pagkain lang ako nakatingin habang siya ay patuloy sa paghaplos sa pisngi ko. Napatuwid ako ng upo ng bumaba ang kamay niya sa baywang ko. Napalunok ako at napakapit ako sa palda ng uniform ko. "Kumain ka na. Gusto mong subuan kita." aniya kaya agad akong umiling. "H-hindi, ayos lang, ako na." kinuha ko ang kutsara't tinidor Kahit parang nanlalambot ang mga kamay ko dahil hindi ako mapakali sa kamay niyang nasa baywang ko. Lihim na napabuga ako ng hangin ng alisin niya na ang kamay niya. Uminom siya ng tubig kaya medyo binilisan ko ang pagkain. Ang sarap ng luto niyang grilled pork na may masarap na sauce. Uminom ako ng juice ngunit napatingin ako sa kanya ng humarap siya sa akin. Inayos niya ang harapan ng buhok ko at naramdaman ko na may kinabit siya. Naibaba ko ang juice sa lamesa at napahawak ako sa kinabit niya sa buhok ko. "Hairpin." sambit ko. Ngumiti siya, "Bigay ko sa 'yo 'yan. Lagi mong suotin." sabi niya. "Bakit mo ako binibigyan nito?" tanong ko. Napalunok naman ako ng ilapit niya ang mukha sa akin at ngumiti siya habang nakatitig ang mga mata niyang may kasiyahan sa mga mata ko. "Masama bang bigyan ng hairpin ang girlfriend ko?" tugon niya. Napamaang ako at ngumuso, "Hindi naman kita boyfriend. At ayoko maging boyfriend ka." sabi ko at umiling ako. Natawa siya at humawak siya sa mukha ko kaya naguluhang napatingin ako sa kanya. "Bakit ayaw mo? Namumula ka nga kapag tumitingin ako sa 'yo." aniya kaya hinampas ko ang dibdib niya. "Hindi kaya. Tsaka ayoko sa 'yo dahil matanda ka na para sa akin at magagalit si Papa kapag nalaman niya." sabi ko. Napadila siya ng labi at ngumiti, "Gaya ng sabi ko kanina, kaya kitang pasayahin at lahat ng hilingin mo ay ibibigay ko. At kahit na matanda ako sa 'yo ay 'di ba mas mainam 'yon? Kaya kitang buhayin dahil may trabaho ako at may naipon ng pera. Kahit nga ngayon ay p'wede na kitang pakasalan. Kaso isang taon pa pala." nangiti siya, "Pero pakakasalan pa rin kita. Pero gusto ko na maging girlfriend din kita... Kaya sige na, tayo na, ha?" pagpilit niya. Napayuko ako at umiling dahil naguguluhan ako. "Anna, look at me." aniya at hinawakan ako sa baba ko. Napatingin ako sa kanya. Tumingin siya sa akin at unti-unting lumapit ang mukha niya kaya kumabog na naman ang dibdib ko sa kaba.. Umiwas ako ng mukha at inalis ang kamay niyang nasa baba ko. Napapikit ako ng mariin niyang hinalikan pa rin ang gilid ng labi ko. Hinarap niya uli ang mukha ko kaya napadilat ako. Tumingin siya sa akin at sinakop ang labi ko kaya napahawak ako sa braso niya. Nagkatinginan kami habang malalim niya akong hinahalikan. Binitawan niya ang labi ko at pinangko ako. Umalis kami sa kusina at muli niya akong hinalikan habang buhat niya ako at naglalakad siya. Hindi ko alam kung saan niya ko dadalhin. Napapikit ako dahil para akong nangingilo sa klase ng pagsakop ng labi niya sa labi ko. Napadilat ako ng maramdaman ang malambot na kama na pinaghigaan niya sa akin. Umiwas na ako sa halik niya at napahawak ako sa balikat niya nang dumagan siya. "D-Dante, anong ginagawa mo?" tanong ko. Huminga siya ng malalim at tinukod ang mga braso sa magkabilang gilid ng mukha ko. Tumitig siya sa akin pagkaraan at hinalikan ang noo ko. "I want you. . ." bulong niya na kinagimbal ko. "A-ano?" tinulak ko siya pero hindi siya natinag. Napalunok ako ng haplusin niya ang labi ko at kinuha ang isang kamay ko bago pagsiklupin sa isang kamay niya. "I want you to be my girlfriend. I love you, Anna." aniya. "D-Dante.." hinalikan niya ako sa leeg kaya napahawak ako sa balikat niya. "You are my girl, Anna. You are mine. Mahal na mahal kita." sabi pa niya at napapikit ako ng halikan niya ako sa buong leeg ko. Naramdaman ko ang paghaplos ng isang kamay niya sa hita ko paakyat sa baywang ko. Pinisil niya ang baywang ko na kinaidtad ko. Nang maramdaman ko ang pag-alis niya sa isang butones ng uniform ko ay napalunok muna ako bago napasigaw. "Oo na! Please, 'wag mo akong halikan at hawakan!" sigaw ko sa pagsuko at napadilat ako. Tumingin siya sa akin at napangiti siya bago niya ako hinalikan sa labi habang kasalubong ko ang tingin niya. Mariin niyang sinipsip ang labi ko bago niya ako niyakap at binitawan ang labi ko para isubsob ang mukha niya sa leeg ko. "Thank you, Anna." masayang sabi niya. Napairap na lang ako dahil blinock-mail pa niya ako para lang mapasagot ako. "Bumangon ka nga at naiipit ang busog kong tiyan." sabi ko. Natawa siya at tumingin uli sa akin. Mariin niya ulit akong hinalikan sa labi bago muna siya bumangon. Naupo ako at papahiran ko sana ang labi ko ng pigilan niya ako na gawin iyon. "Let's go. Hatid na kita." aniya at hinila ako patayo habang hawak ako sa braso. Binitawan niya ang braso ko at humawak siya sa likod ko para paunahin ako sa paglabas. Umalis kami sa penthouse niya at doon naman ako nakaramdam ng kaba ng makita na madilim na. Tiyak na nag-aalala na sila Papa. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko na nakapatay. Na-lowbat na ako. "Why?" tanong ni Dante. Lumingon ako kaniya, "Tiyak na kanina pa ako tinatawagan ni Papa. Na-lowbat ang phone ko." tugon ko. "Use mine." aniya at kinuha ang cellphone niya bago ilahad sa akin. "Hindi na. Bilisan mo na lang at gusto ko nang makauwi." tanggi ko. Tumingin ako sa bintana at hindi ako mapakali. Ngayon lamang ako ginabi ng uwi kaya hindi ako mapakali kung sakaling kanina pa ako hinahanap ni Papa. Dahil binilisan rin ni Dante ang pagpapatakbo ng sasakyan niya kaya nakarating din kami agad sa harap ng bahay namin. Agad na inalis ko ang seatbelt at kinuha ko ang bag ko bago tumingin kay Dante. "Huwag ka nang bumaba. Sige, bye-bye." humarap ako sa pinto at bubuksan ko na sana ito pero napatingin ako kay Dante ng pigilan niya ako. "Bukas, sunduin kita pagkatapos ng klase mo." sabi niya. "Pero.." tatanggi pa sana ako ng putulin niya ako. "It's my command, Anna. Okay?" sabi niya. Napahinga ako ng malalim at tumango. Ngumiti siya at humawak sa mukha ko. Lumapit siya at napapikit ako ng halikan niya ako uli sa labi. Nakakailan na siya ngayon araw. Napakahilig niyang humalik. Binitawan niya rin ang labi ko kaya dumilat ako. Hinaplos niya ang labi ko. "See you tomorrow." sabi pa niya. Tumango ako at binuksan na ang pinto. Bumaba ako at kinawayan ko siya habang nakasilip sa loob ng kotse niya. Tumango siya kaya sinara ko na ang pinto. Agad na akong tumalikod at pumasok ng gate. Huminga ako ng malalim at mahigpit na bitbit ang bag ko habang naglakad papasok ng bahay. "Saan ka galing, Anna?" Napahinto ako at napatingin kay Papa na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa akin ng seryoso. Minsan ko lang makita ang ganyang expression ni Papa at ang alam ko lang ay galit siya. "P-Papa, pasensya na po.. N-naaya lang po ako ng isang kaibigan." pagsisinungaling ko. Hindi ako makatingin kay Papa habang sinasabi ang dahilan ko. Hindi ko masabi kay Papa kung sino ang kasama ko. "Hindi mo ba man lang naisip na tumawag kay Manong Rey kung susunduin ka pa ba? Ang tagal na naghintay ni Manong Rey sa 'yo sa school pero ginabi na't lahat ay wala ka pa. At sino naman ang kaibigan na kasama mo? Hindi ba't wala kamong kumakaibigan sa 'yo sa school." sermon niya. Tumayo siya kaya napayuko ako at nakonsensya dahil naghintay si Manong Rey sa akin. "Patawad po, Papa. Hindi na po mauulit." iyon na lang ang nasabi ko. Napaiyak ako dahil ayokong nagagalit si Papa. Kasalanan ko kung bakit siya nagalit ngayon. Napahinga siya ng malalim at humawak sa mag-kabilang balikat ko, "Pasensyahan mo na si Papa. Sobra lang din akong nag-alala dahil hindi ka pa umuuwi. Anna, sa susunod ay 'wag kang sasama kung kanino man kahit kaibigan mo pa. Ayoko na ginagabi ka sa lansangan." sabi niya. Tumingin ako sa kanya at tumango bago yumakap sa kanya, "Opo, Papa. Sorry po." pumikit ako habang pumapatak ang luha ko. "Oh, siya, siya. Halika ka na't kakain na tayo. Tiyak na lumamig na rin ang pagkain." aya niya. Bumitaw ako ng yakap at tumango kay Papa kahit busog pa ako. Naghintay siya sa akin kaya hindi pa tuloy siya nakakakain. Sabay naming tinungo ang dinning area at ininit saglit ni Manang Merly ang pagkain. "Anna, saan galing ang hairpin mo?" tanong ni Papa. Napahawak ako sa hairpin na nasa buhok ko at napayuko ako at mamula ako dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin na may boyfriend na ako. "S-sa kaibigan ko po." kaila ko. "Maganda at mukhang mamahaling hairpin. Nahihiwagahan tuloy ako kung sino ba 'yang kaibigan mo at binigyan ka ng ganyang klaseng hairpin." sabi niya na may kuryosidad sa tono. Dumating na si Manang Merly at nilapag ang mga ulam kaya lihim na nakahinga ako ng maluwag nang mawala sa tanong ni Papa ang atensyon niya. Ang hirap pala na may tinatago. Hindi ako sanay lalo na kapag magsisinungaling kay Papa. First time kong magkaroon ng boyfriend at hindi ko alam kung paano ko ipapakilala kay Papa si Dante. Kumain lang ako ng kaunti at nang matapos kami ni Papa ay nagpaalam ako rito na papanik na sa taas. Napaupo ako sa kama at kinuha ang cellphone ko sa bag. Tumayo ako at kinuha ang charger bago i-charge ang cellphone ko. Lumapit ako sa salamin at tinignan ko ang hairpin. Ngayon ko lamang titignan ang hairpin at napamaang ako dahil ang ganda at kumikinang pa. Kulay pink siya at gold ang pinaka pin niya. Napangiti ako at inalala ang lahat ng sinabi ni Dante sa akin. Siguro ay hindi naman mali na bigyan ko ng chance si Dante. At wala rin naman akong choice dahil nasagot ko na siya at girlfriend na niya ako. Kaso wala pa naman akong alam sa kanya. Pero makikilala ko rin siguro siya ng lubos balang-araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD