Lumanghap ako ng hangin habang nakatanaw rito sa bangin. Ang sarap ng hangin at nakakagood vibes sa umaga ang malamig na klima. Maagang umalis si Dante dahil maaga ang pasok nya. Nag-unat ako ng mga braso at legs para mabanat naman ang buto ko. "Hija.." Lumingon ako kay Manang Merly at napangiti ako ng tulak-tulak nya ang stroller na sakay si Baby Third. "Gising na po pala ang batang iyan." Kinuha ko si Third sa stroller at maayos na nilagay ko sa bisig ko. Nakangiti ito kaya labas ang gilagid. "Nakapagluto na ako, kumain ka na." Nag-exercise kasi ako habang natutulog pa kanina si Third. Mabuti't hindi ito tinotopak. "Sige po, tara na po, sabay na po tayo." Ngumiti at umiling sya, "Hindi, mamaya na ako at magpapahinga lang ako." "O, sige po, ako na pong bahala kay Third. Magpa

