Pumalakpak ako habang nasa upuan at nakatingin kay Dante na ngayon ay sinabitan ng award upang ilipat sa kanya ang posisyon ng kanyang ama. Maraming press at mga kapulisan ang naririto. Hindi ako nakatabi sa pamilya ni Dante dahil alam ko naman na hindi ako gusto ng pamilya nya. Kaya sinabi ko kay Dex na assistant ni Dante na dito nalang ako sa pangatlong hilera na malayo sa unahan kung saan nakaupo ang pamilya nya. Masaya ako dahil hindi lang naibalik sa serbisyo si Dante, na-promote pa sya upang ipalit sa posisyon ng Dad nya. Napahimas ako sa aking tiyan. Apat na buwan na ang tiyan ko at napakalaki nya para sa apat na buwan. Nahihiya na ako sa katawan ko dahil pakiramdam ko ay ang taba-taba ko na. May naamoy akong kakaiba kaya napatakip ako ng bibig at napatingin sa naamoy ko. Napa

