Hannah POV
Pagkatapos ng usapan namin itinuro sa akin ni Janina ang magiging kwarto ko nag pasalamat ako at nag pahinga na.
Hindi mawala wala sa akin anak Kong si baby Harold tatlong taon na Sana sya ngayon.
Mapait akong napangiti nang malala ang nakaraan kahit pa araw araw akong saktan ni Lucas Hindi ko iyon ininda basta ang katwiran ko, mag Kaka anak na kami at baka magbago ang pakikitungo nya sa akin balang araw,
pero nag kamali ako.
Limang buwan na ang tiyan ko noon pero mukha Lang tatlong buwan kung titignan nag pacheck up na ako sa doktor-ang sabi ay normal naman at walang problema sa pag bubuntis ko. Nang minsang Umuweng lasing si Lucas at galit na galit. Ako raw ang malas sa buhay nya kung ano anong masasakit na salita ang natanggap ko pero baliwala iyon para sa akin. Nabulag ako ng pag mamahal na dapat ay sa sarili ko ibibigay. Lagi nyang itinatanggi na Hindi nya anak ang dinadala ko.
"itatak mo sa utak mo Ito Hannah wala akong pakialam kung anak ko yan o hindi ang mahalaga sa akin ang maki pag annul sayo pagod na ako Hannah!!pagod na akong pag tawanan ng mga tao sa paligid ko ikaw ang dahilan kung bakit ako ganito ako !! tama ako Diba?bukod sa lalaki mo kinalantari mo din ang daddy ko kaya sayo ipinama lahat ng ari Arian nya!!hindi kapa ba kontento sa kin? "
Mga salita nya nag pabagal sa pag hinga ko .
unti unting tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigalan
anong ibigsabihin nya
Kaya ba sya nag kakaganyan dahil sa mana nya? wala namang problema sa kin yon ibabalik ko iyon sa kanya kapag na Ka panganak na ako.
"iyon ba ang pinoproblema mo?
Kaya Ka galit na galit sakin dahil sa mana mo ? bakit hindi mo basahing muli ang last will Ng daddy mo? para maintindhan mo. Pag kapanganak ko at napatunayang anak mo ang bata ang abogado mismo ang maglilipat ng mana sa pangalan mo " sumisigaw ako sa galit dahil sa nalaman ko.
Siguradong ang step mom nya ang Nag sulsol sa kanya tungkol dito.
Isa iyon sa habilin ng daddy nya at ipinangako ko na bibigyan ko sya ng apo,
Pagkatapos ay ibabalik ko ang dating Lucas na masayahin walang bisyo
responsableng anak,
Pero mukang mabibigo ako hindi ko sya kayang baguhin pa.
"paano ha? paano kung hindi ko anak Yan mapapatunayan mo ba? eh Diba lagi mong kasama yung lalaki mo? Kaya paano ha? Hannah? "
Sa galit ko ay sinampal ko sya hindi ko mapigilang umiyak dahil sa mga salitang binibitawan nya durog na durog na ako hanggang kailan ganito nakakapagod din Pala umasang may mag babago nang dahil Lang da Putanginang Mana nayan
Nag kaganto ako, Hindi ko na kilala ang sarili ko.
" hayop Ka !! kaibigan ko si Jaimie sya Lang ang Meron ako umpisa palang alam mo Yan hindi nya ako kadugo pero kapatid ang Turing nya sa akin ni minsan Hindi nya ako iniwan. eh ikaw ba? asawa mo ako pero anong ginagawa mo?"
Lumuha akong tumingin sa kanya nag tatanong kung bakit ganito sya.
"hah!? kaibigan? kapatid? pero magkasama sa iisang kama? nagbibiro kaba? wag mo akong niloloko dahil alam ko ang lahat-"
Hindi ko na sya pinatapos mag salita muli ko Sana syang sasampalin pero nagawa nyang tabigin ang kamay ko
Itinulak nya ako at tumama ang balakang ko sa matulis ma bahagi Ng lamesa.
Sumigid ang kirot sa balakang papunta sa aking puson,
Hindi ko mapigilang mag alala ang baby ko !!
Muli kong tiningnan si Lucas pero wala syang pakialam na tumingin sa akin.
"wag Ka ngang umarte Hindi uubra sa akin Yan "
Walang babala syang umalis at pumasok sa kwarto namin.
Gusto kong humingi ng tulong pero baka saktan nya Lang ulit ako.
Maya Maya pa sobrang sakit na talaga Ng tyan ko naramdaman Kong may basa akong nararamdaman,
Umaagos ang Dugo sa hita ko pinilit kong mag lakad palabas Ng gate
agad akong pumara ng taxi.
Sa loob Ng taxi tinawagan ko si Jaimie.
"manong sa pinaka malapit na ospital po tayo please , tatawagan kopo ang kaibigan ko sya na po ang magbabayad
paki bilasan po manong !!! arayy ang baby ko" !!! hindi ko mapigilang mapasigaw Hindi pwedeng mawala anak ko.
"wala pong problema ma'am"
mabuti at mabait ang driver.
Pag Katapos Ng pag uusap namin Ng driver ay wala na akong maalala
Nagising ako sa loob Ng kwarto Ng ospital.
Marahil si Jaimie ang nag buhat sa akin
pero pag Ka gising ko wala na ang umbok sa tyan ko .
" ang baby ko !! " sigaw ko dahilan para magising si Jaimie sa tabi ko.
" Jaimie ang anak ko ok lang sya Diba? "
nakangiti pa akong nag tatanong sa kanya pero wala syang sagot .
Nakayuko Lang sya at Ng punas Ng luha ,
"Bumigay sya Hanna Hindi nya kinaya wala na ang anak mo.Bukod sa limang buwan Lang sya may butas Din ang puso nya Kaya Hindi nya kinaya"
Sa narinig ko parang nabutas din ang puso ko. Doble ang sakit na hatid sa kin nang sinabi ni Jaimie paano na ako ngayon. Ang mga impit na pag iyak ay napalitan Ng hagulgol.
Pag Katapos noon ay wala na akong maalala. Sabi ni Jaimie nawala ako sa sarili. Nakatulog nang mahimbing ang buong sistema ko.
Oo gising ako kumakain nag lalakad pero ang isip ko ay nakakulong.
Gusto kong lumabas sa kulungang iyon pero hindi ko magawa.
Para bang nanlalambot ang tuhod ko
Sa twing pipilitin kong tumakbo para bang ang bigat ng mga paa ko.
Dinig ko ang nasa paligid ko pero para bang wala akong boses pakiramdam ko maging ang boses ko ay nakakulong lang din sa lalamunan ko.
Bago pa ilibing ang bata nag pagawa muna si Jaimie Ng DNA test.
Isa iyon sa sinabi nya sa akin mula nang bumalik ako sa kamalayan ko . Nadepressed at trauma daw ako Ng husto
Hindi na ako nag tanong pa tungkol doon ang gusto ko lang makalimot at gumaling ng husto.