Snow's POV Naging masaya ang hapunan kagabi lalo na at nakita ng lahat ang ginawang effort ni Yuan sa pagpaypay sa mga barbecue kaya yung mga babae, sarap na sarap sa pagkain dahil gawa daw yun ni Yuan. Gusto ko naman mpasimangot, anong gawa ni Yuan doon eh, nagpaypay nga lang yun tapos labag pa sa kalooban. Pinipilit ko pa ngang kunin yung pamaypay kasi kaya naman ng kapangyarihan ko kaso ayaw na niyang ibigay, mukhang masasagi ang pride niya kung ibibigay niya sa akin ang pamaypay. Kaya hayun, hinayaan ko na lang. Natulog din kami kagabi pero noong gising pa ako eh wala ito sa tent hanggang sa nakatulogan ko na lang. Hindi ko rin ito naabutan kinaumagahan dahil nagmomorning exercise ito at maagang gumigising, di tulad ko na kailangan pa ng alarm para lang magising. Ngayon ay nakagathe

