Snow's POV Biglang nag-iba yung pakiramdam ko sa paligid. May isang malakas at mabigat na pwersa kahit saan. Hindi ko matukoy kung saan talaga dahil kalat ito. Napasok na kami sa teritoryo ng three headed lions. Iniwan naman namin ang mga kabayo namin sa labasan dahil ayaw na ng mga itong magpatuloy papasok. Alam din ng mga ito na delikado ang pumasok sa teritoryong ito. Naramdaman ko na lang na may paparating at natanaw ko kaagad ito. Napakunot naman ang noo ko dahil pamilyar sa akin ang mukha nito. "Avis, is that your cousin?" Tanong ko bigla. "Where?" Nagtatakang tanong ni Avis sa akin dahil wala pa itong nakikita. Well I can already see it dahil mas matalas ang pandama ko sa kanila at paningin. "There." Turo ko at sinundan naman nila ang kamay ko. "Dimitri?" Naitanong na lang ni

