Snow's POV Nawalang bigla si Hera pagkatapos ng pagdalaw ni Headmaster. Pero umiikot sa isipan ko ang mga sinabi nito. Huhulihin namin ang traydor, pero paano? Nasabi na sa amin dati na malaki ang posibilidad na may traydor nga at ngayon, mukhang siguradong sigurado na si Headmaster na meron ngang traydor at kailangan namin na hulihin ito. Iniisip ko pa lang kung sino ang traydor ay sumasakit na ulo ko dahil wala akong maisip. Pero sa kalaliman ng iniisip ko, biglang lumitaw sa isipan ko si Clad at Hera. Sila ang bagong dating sa academy, and claiming na si Hera ang anak ng mga diyos, na hindi naman pala. Clad who has the power of darkness and Silvan who kept on saying they are bad. Hindi ko maiwasan na magduda, pero tumulong naman sila sa mga mission di ba? Kung kalaban sila, dapat pin

