"s**t naman o!" Marahas na kinamot ni Faith ang ulo at pinagpapadyak ang walking crutches niya na para bang sariling paa ang ipinapadyak. Kasalukuyan siyang nasa tapat ng resto-bar na pinag-inuman niya kagabi. At hindi niya alam ang gagawin sa katotohanang wala na sa tapat niyon ang sira niyang sasakyan. Kasalanan itong lahat ng mokong na iyon e! Ngayon ay hindi na niya alam ang dapat gawin. Hindi niya malaman kung saan hahanapin ang sasakyan. Nandoon pa naman ang pera niya at ang cellphone. Kagabi tuloy, ang hikaw niya ang naipambayad niya sa taxi driver. Pakiramdam niya ay ha-high blood-in siya sa kamalasan na nararanasan kaya naman labis-labis ang pagsubok niya na pakalmahin ang sarili. Think positive lang, Faith. Huminga siya nang malalim. Kinuha niya ang spare niyang cellphone m

