"Teacher Faith! Teacher Faith!"
Agad na napalingon si Faith sa pinanggagalingan ng boses na tumatawag sa pangalan niya. Kasalukuyan siyang nakatayo sa labas ng pampublikong paaralan na kaniyang pinagtratrabahuhan at naghihintay ng masasakyan pauwi.
Si Rico iyon, ang isa sa kaniyang mga estudyante. Tumatakbo ang bata patungo sa direksyon niya. Sa hindi kalayuan ay nakatayo ang mga magulang ng bata sa gilid ng pampamilyang tricycle ng mga ito. She politely smiled at them, at ngumiti naman din ang mga ito pabalik.
"Teacher Faith, pauwi ka na po?" Magalang na tanong nito. Ngumiti siya at pinisil ang pisngi ng bata. Bahagya siyang yumukod upang magpantay ang mukha nila.
"Opo, makulit na bata. Uuwi na si Teacher Faith. Umuwi ka na din. Hinihintay ka na ng mama at papa mo," inginuso niya ang mga magulang nito.
"Hindi ka pa din po ihahatid ni Teacher Chase? Bakit ang tagal ko na po siyang hindi nakikita?"
Natigilan siya nang marinig ang tanong ng bata. Bahagyang umawang ang kaniyang labi. Parang may gustong lumabas na salita doon. Ngunit agad din iyong tumikom.
Hindi naman niya alam ang dapat isagot.
-----------------------------------------------------------
Hello. This is the second book of the Buenavista Brothers Trilogy. I hope you would like this one as much as the first one :)
-WRMS