Sabi nila'y madali lang ang buhay kung ikaw ay mayaman. Palaging sinasabi ng mga kaibigan ko kung gaano ka ginhawa ang buhay na mayroon ako. We are rich and every one has slap me that ever since I was a child.
Ano ba ang kaibahan ng mayaman sa mahirap? I have been meaning to ask that. Tumitig ako sa maliwanag na buwan habang iniisip ang kaibahan ng dalawang estado ng pamumuhay.
Ang mga taong may sapat lamang na kita ay binansagang mahirap at ang mga taong sobra sobra ang pera ay tinatawag na mayaman. Bakit may pagkakaiba? I see people as equal. We are living on the same planet. We are breathing the same air. We are made the same by the Creator. Why does it have to have a different status when we are birthed by the same process, through a woman in her womb?
The sky is black and the moon is giving us light to at least have a vision even when it is dark. I have always been fascinated with how the moon looks and its brightness. I wonder how was that made?
I remember the old lady at the market. She was sitting on the floor, giving her hands to any body who passed by her. Maliit pa lang ako nang pinaliwanag na sa akin ang kaibahan ng buhay ko sa mayroon sila. Hindi para mag mataas kundi para bigyan sila ng pang unawa.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit ang lahat ng ito ay umiikot dahil sa pera. Talaga ba na mahalaga iyon? For me, it is only a paper made by people and gave value to it. For me, the real value cannot be bought and sold. It's something within us.
"Yra! Nasaan kana naman bata ka?!"
I was told that in the future, I'd inherit my family's wealth. They molded me to be someone who will soon handle the family's business. I was taught by so many things that I wonder the need of learning when I am not even half interested of it.
I giggled when I heard Selya's voice. I was here behind the large coconut tree, hiding. Ang matanda niyang mukha ay lukot habang problemadong hinahanap ako.
My business tutor will arrive any minute from now and here I am seating on the bushes while making fun of her. I took out my remaining stick of cigarette and lit it using my lighter that I also took along with the stick.
Binuga ko ang usok na mabilis nagpatangay sa malakas na simoy ng hangin. Tinanaw ko ang malawak na planta ng pinya mula rito sa puwesto ko. It is a 200 hectare plantation that my family owned for generation. Mag mula pa sa mga ninuno ko, wala silang ibang tinutukan kung hindi ang lupain na ito at kung ano na may kinalaman sa agrikultura.
This is located in a small town of Tagaytay, in a southern part of Luzon. Malamig ang klima rito kaya perpekto para sa mga pinya. Ang mahahaba at berdeng dahon nito ay maganda tignan mula sa malayo lalo kung bundok bundok ang dami nito.
"Tumakas kana naman sa mayordoma ninyo?" gulantang na tanong ni Wendy, ang kababata ko sa probinsyang ito.
Ngumisi ako at tumango. "Oo! Wala ako sa mood magaral. Mag inom na lang tayo nila Emilio!"
Ngisi rin ang binalik sa akin ng kaibigan. Gamit ang sasakyan ko na bagong bili, sinundo namin si Alfred, Emilio at Hanna. Dumaan kami sa maliit na convenience store para bumili ng maiinom at pulutan.
I ignored the constant vibration from my phone. It's probably Selya. Malamang sa mga oras na ito ay naroon na ang business tutor ko. Why can't they understand na ayoko nga magaral niyan? Hindi pa ba sapat na pumapasok ako sa eskwela limang beses sa isang linggo at kaylan pa niyang tutor?
"Naku, Yra! Magiinom na naman kayo kina Hanna? Dumaan rito ang sasakyan niyo kanina at hinahanap ka."
Iling iling na binalita ng matanda. Ngumisi ako ng mapagtanto na buti na lang ay inuna kong daanan si Wendy, kung hindi ay naabutan ako ng mga tauhan namin.
Hindi masiyadong malaki ang bahay nila Hanna. Sakto lang ito para sa maliit na pamilya. Ang kanilang teresa ay may katamtamang laki na sakto para sa maliit na pagtitipon. Nilabas nila Alfred ang lamesa at nilagay ito sa gitna. Ako naman ang kumuha ng alak sa plastic at binuksan ito. Si Hanna ang huling dumating dala ang dalawang baso at plato para sa pagkain.
"Hindi pa ako nakaka move on sa hang over mula kagabi, heto at umiinom na naman tayo." litanya ni Wendy pero nilagok pa rin ang shot glass na may laman brandy.
This is how we spent our weekend. Minsan naman ay naliligo kami sa ilog at dun nagiinom. Kung hindi nag iinom, nasa mall kami para maglaro ng arcade. Pero madalas ay ganito. All of us are 13 year old first year high school student. Nakaraang bakasyon lang kami natuto maginom at simula non, hindi na natigilan.
"Sulitin mo na kasi hindi mo na 'yan magagawa pag college na tayo. Ang sabi ng ate ko, mas mahirap daw ang pagaaral doon at uubusin ang oras mo." si Hanna naman ngayon ang nagsalita.
Ngumisi si Alfred at nagpakawala ng nakaw na halik sa syota niyang si Hanna. I smirk too as I watched them getting so romantic. Si Hanna ang bago sa barkada. Isang taon pa lang nung napasama siya sa amin dahil naging boyfriend niya si Alfred.
They look so in love with each other pero ang totoo, hindi lang naman siya ang babae nitong tropa ko. Not that I'm proud of his womanizing. I actually despite that, because of my parent's history.
My mother cheated when I was still in kindergarten. Sumama siya sa ibang lalaki at hindi na nagparamdam kahit kaylan. I could still remember my father crying every night because of that. She made a sin despite their sacred marriage. My father after moving on then had multiple girlfriend. Walang tumagal pero marami.
Wendy's father cheated too. Unfortunately though, he died after he met an accident with his mistress. They had a simple family and lifestyle. Bakit pa rin nagawa ng ama niya iyon?
This was one of the reason why I question the different social status in life. Bakit may ganiyan pa kung pare-parehas naman nagkaka sala ang tao? Mayaman o mahirap, iisang kasalanan?
Ginawa tayong pare-parehas kaya nararapat lang na mamuhay tayo ng parehas din. Bakit pa kaylangan magkaroon ng pagkakaiba? It only divided us when we should all be united.
"Ikaw ba Yra, ano ang plano mo pag tapos ng high school?" I took my shot before turning to Emilio.
"Enroll myself in college, Emilio." sarkastiko kong sagot.
"My parent's plan for me is to get married with another wealthy clan. It has always been the path they planned for me."
Emilio's family is rich, too. They owned five gasoline station here in Tagaytay. Ganoon din si Alfred na sa fast food naman ang linya.
"I don't understand why parents had to plan and create path for their children's future? Diba dapat nasa atin na iyon dahil buhay naman natin?" hindi ko napigilan.
Tumawa si Emilio at Hanna sa akin na para bang isang joke ang sinabi ko. "It's their way to give better future for their children, Yra."
"Arranging marriage to someone for business is not a better future for me, Emilio. Paano kung makasal ka sa taong hindi mo gusto? It isn't a future for me." I said. I could not even imagine that ng hindi ako kinikilabutan.
Umismid si Emilio sa sinabi ko, "Ang bagay na iyan ay natututunan pagdating ng panahon."
"Fixed marriage works. My family is an example of that." si Alfred naman ang sumagot. Well, his parents and their parents are a result of pragmatic marriage. They passed it down to their generation dahil lahat ay successful.
"Usapan ng mayayaman ah? Hindi tayo kasali riyan, Hanna." si Wendy na humagikgik bago ininom ang shot niya.
Umiling ako at ngumisi, "Ang sabihin niyo ay para ma preserba ang yaman. Mayaman na pinagkasundo sa kapwa mayaman upang mapanatili ang yaman."
My family isn't a fan of marriage for convenience. They marry whoever they want to spend their life. My great grandfather honors love and peace. Hindi raw makakamit ang totoong tagumpay kung hindi mo naman mahal ang iyong kabiyak.
They put their trust to their son or daughter to be successful without relaying from other people's wealth. Paano? Iyon ay ang magaral ng magaral. Maging tagumpay para karapat dapat ka. My father studied and worked hard as well. He isn't just an agricultural businessman. He also took Agricultural Engineering and graduated with high honors.
He maintained the pineapple plantation successful. Siya rin ang nagdala ng negosyong ito sa ibang panig ng bansa. We even export our goods to major Asian countries, why he was labeled as the most successful in agricultural sector when he expanded it.
Sa isang bagay lang naman siya pumalya. Gaano 'man siya naging matagumpay sa larangang ito, nagawa pa rin siyang iwan ng kaniyang asawa.
Hmm.... nanay ko nga pala 'yon.
"Ewan ko sa'yo, Yra. Wala ka naman magagawa kung ipagkasundo ka ng daddy mo sa iba." si Emilio na hindi maka move on sa usapang 'yan.
Ngumisi ako sa isip ko dahil sa totoo lang, hindi naman nila alam ang values na tinuro sa amin.
Natigil ang usapan namin ng may humintong truck sa tapat ng bahay nila Hanna.
"Nandiyan na ang bagong lipat." nilingon namin siya. Lumabas din ang nanay niya ng marinig ang truck na dumating.
Her mother went to their gate and watch those men as they starts to unload. Ganoon din ang ibang kapitbahay na naki usyoso sa mga dumating. Followed by is a gray commuter van that stop and parked behind the truck.
Ayoko sanang pagtuunan ng pansin pero hindi ko mapigilan lumingon dahil lahat ng aking kaibigan ay doon naka tuon. I shook my head, disappointed with my friends. Kinuha ko ang bote ng alak at nagsalin sa shot glass. Kinuha ko ito. I saw Wendy gawking kaya napalingon na rin ako. Nabitin sa ere ang pag shot ko ng makita ang matangkad na lalaking kabababa lang ng van.
He's tall, white and hmmm... he's got long hair tied in a bun. Ang maliliit na parte ng buhok na hindi sumali sa ipit ay nakalaglag. His thick yet perfectly shaped eyebrow, pointed nose and reddish lips made me look at him. Ang matatalim niyang mata ay parang nakakasugat. He was wearing a plain v-neck white shirt and black cargo pants, along with a converse black shoes.
He starts helping those men from unloading their things. When he lift the heavy appliance, I immediately saw the muscles formed on his arm. Halatang madalas sa gym dahil sa perpektong kurba ng biceps.
"Taga Maynila raw sila. Dating mayaman. Nalugi ang negosyo kaya lumipat dito." nilingon ko si Hanna ng magsalita.
"Eh? That must be embarrassing then." si Alfred na naka tingin pa rin sa banda roon.
Anong nakakahiya? Bakit ba nakakahiya maging mahirap? Hindi naman dapat. Lalong hindi nakakahiya ang mayaman na naging mahirap. Your status may change but you'd still be the same. Hindi dapat nadedepina ang halaga mo sa kung anong mayroon ka.
"He's hot though!" asik ni Wendy. I sighed and continue to drink my shot.