Ang totoo'y may ipagmamalaki naman siyang hitsura dahil bukod sa matangos ang kanyang ilong ay may katamtamang shape naman ang kanyang mga labi. May magandang kilay naman siya na natural ang kurba nito at hindi kinuhaan. At maipagmalaki din niya ang kanyang mga mata na may natural din na mahabang pilik. Naging pangit lang siyang tingnan at hindi attractive dahil nasunog ang balat niya sa laging naka exposed sa dagat dahil sa lagi din siyang sumama sa kanyang tatay Bong na mangisda sa laot. Kaya hindi lang balat ang nasusunog sa kanya kundi pati na ang kanyang buhok. Pero ngayon, ang ganda pala niya kapag puputi at
hindi na mukhang sunog sa araw ang kanyang buhok.
Sa umagang iyon ay si Kerai na ang nagwawalis sa buong bakuran ng Mansion ng mga Mondragon, iyon na ang nakatuka sa kanya araw-araw. At pati paglilinis sa tabi ng pool ay obligasyon na rin niya iyon. May mga punong kahoy din sa paligid ng mansion kaya araw-araw din siyang nagwawalis pati na nga sa hapon.
Holiday ang araw na iyon kaya walang office si Sir Jake. Papunta na sana siya sa may area ng walking path upang maglinis na rin doon, iyon ang lugar sa labas ng mansion kung saan nakasanayang maagang nag e-exercise ang mga mayayaman at may gym pa ito. Bigla naman siyang napaurong nang makita naman niya si Sir Jake roon, nag exercise or nag gym ito roon at nakasuot ito ng tank top na damit na makikita ang kakisigan nito! Mabilis naman siyang nagtago upang di siya makita nito. Patuloy lang siya sa paninilip kay Sir Jake. Napakaguwapo naman ng hinayupak na 'to, kahit moreno ito ay nakaka attract naman ang personality nito. Matangkad itong lalaki at medyo may edad na tingnan dahil sa bigote nitong pino sa mukha. May edad na kasi para sa kanya ang nasa thirty dahil nasa twenty one palang
siya. Pero infairness, ang guwapo talaga ni Sir Jake . Napalunok pa siya ng laway nang hinubad pa nito ang suot na tank top dahil sa dami na ng pawis nito na lumalabas sa katawan at kitang -kita niya kung paano nagtaas-baba ang mga muscle nito sa dibdib habang ito'y naggy-gym. Para siyang mahiyang lumabas mula sa kanyang kinatataguan. Sa isip niya'y kaya pala sa makisig at flat ang tiyan ni Sir Jake dahil alagang gym pala ito. Nang tumigil ito saglit sa paggy-gym at napatalikod ay mabilis na agad siyang lumabas sa kanyang kinatataguan at agad na nagwawalis malapit roon. Wala siyang magagawa kundi magsimula ng wawalisan roon distansya lang naman iyon mula sa kinaroroonan nito, dahil kung hihintayin pa niya kung kailan ito matapos ay matatagalan siya sa kanyang ginagawa.
Napansin naman ni Sir Jake ang paparating ng dalagang taga Islang si Kerai sa kanyang kinaroroonan at saglit itong nakamasid sa kanya. Nakita pa niya sa sulok ng kanyang mga mata na nagtatago pa ito at nakikita niyang nakasilip pa ito sa kanya. Akala siguro nito ay hindi niya ito nakikitang paparating at nakasilip sa kinatataguan nito ngayon. Hinayaan na lamang ito ni Jake. Lihim na napailing si Jake dahil sa inasta na naman ng babaeng taga Isla na kanyang nailigtas. Pagtalikod niyang saglit ay lumabas agad ito sa kinatataguan nito at nagwawalis na roon. Muli niya itong tiningnan agad at noon lang niya naaninag ang pagblooming nito. Nakita niyang bagong gupit ito na hanggang balikat na lang ang haba ng buhok at kinuha lang ang tila nasunog na mga buhok nito sa araw. At bagong ligo pa ito. Noon niya napansin na parang ang bilis nitong pumuti sa loob ng dalawang linggo sa kanilang Mansion.
Si Kerai naman ay di naiwasang mapatingin muli sa kinaroroonan ni Sir Jake kaya nakita niyang sa kanya na nakatingin si Sir Jake habang pinunasan nito ang mga pawis nito gamit ang damit nitong pang ibabaw na hinubad nito.
"G-Good morning, Sir!" Alanganin ngunit malakas na bati pa niya rito dahil medyo distansya naman siya mula rito.
" Good morning, too." Seryosong tugon pa nito sa kanya.
Ngunit para siyang nailang dahil nanatiling nakatingin naman ito sa kanya.
"Linisin at walisan mo na rin dito dahil tapos na ako." Dugtong na sabi nito sa kanya na Ang tinutukoy nito ay ang kinaroroonang Gym nito.
" Opo, Sir." Sabi niyang hindi na tumingin pa rito.
Napilitan na siyang lumapit sa kinaroroonan nito upang magsimula ng maglinis roon. Subalit hindi pa ito umalis roon at napansin niyang patuloy itong nakatingin sa kanya. Di naman siya gaanong maka concentrate sa kanyang ginagawang pagwawalis roon dahil sa presensya ni Sir Jake. Hanggang ngayon ay napahiya parin siya sa pagbasag niya sa vase at hindi lang yan, nahihiya parin siya sa mga naunang nangyari. Tulad noong nasa Master cabin ng comfort room. Hindi talaga siya tumingin kay Sir Jake at pilit na nagconcentrate sa kanyang pagwawalis. Di nagtagal ay nasulyapan niya sa sulok ng kanyang mga mata na humakbang na ito. Kaya sa isip niya'y aalis na ito roon. Mas lalo pa siyang tumalikod at patuloy sa ginagawang pagwawalis roon. Hangga't nakahinga siya ng maluwag at napainat sa kanyang braso dahil wala na roon si Sir Jake.
"Hay naku, thank you at wala na talaga si Sir dito." Sabi naman niya na ang buong akala niya ay nakaalis na si Sir Jake.
Ngunit nasa likod lang pala niya ito.
"Why? is there something wrong with me being here?" Biglang tanong nito sa kanyang likuran.
Nagulat pa siyang napalingon kay Sir Jake. Nanlaki pa ang kanyang mga matang napatingin rito at sabay na di naman niya maiwasang mapatakip ulit ang kanyang isang palad sa kanyang bibig dahil nasa likod lang pala niya ito.
" Naku, bakit nasa likod ko po kayo, Sir? akala ko po ay umalis na kayo." Nagulat pang wika niya.
" Actually, aalis na sana ako kaya lang napansin kong pamilyar sa akin ang white t-shirt na suot mo, kaya tiningnan ko sa likod at confirm na sa akin pala ang t-shirt na suot mo nang makita ko ang print." Sabi nito sa kanya.
Napahiya na naman siya at napilitan siyang humarap kay Sir Jake.
"Pasensya na po kayo, Sir Jake, naisuot ko na naman ang t-shirt niyo. Isasauli ko sana ito sa'yo pero sabi ni Manang Tisay baka daw mapagalitan niyo po ako, baka hindi kana raw nito susuot dahil sinuot ko na." Napangiwing wika niya rito.
"It's okay. But why are you happy if I'm not here anymore?" Tanong nito sa kanya.
" Ahh, ehh, para po makapaglinis ako ng mabuti rito, Sir, sorry po." Sagot naman niya agad rito.
"You're always apologizing, you must have been born with a sorry in your hand.
Bilisan mo na ang trabaho mo." Sabi pa nito sa kanya at tinalikuran na siya nito.
Napaurong muna siya saglit dahil sa pamimilosopo ni Sir Jake sa kanya. At muling itinuloy ang ginagawa. Lagi nalang napapansin ni Sir Jake ang kanyang laging pag so-sorry. Sa susunod ay di na siya mag sorry rito dahil namimilosopo ito sa kanya. Pero kunting tiis nalang siya, dalawang linggo nalang ang kulang ay aalis na siya rito at makakauwi na siya sa kanilang Isla.
Matapos siya sa kanyang ginagawa ay pumasok na siya sa loob ng mansion ng mga Mondragon. Narinig niyang parang may kausap si Sir Jake, nasa Lobby ito nadaanan niya habang palakad-lakad na may kausap sa cellphone nito. Tinapunan pa siya ng tingin nito nang siya'y dumaan. Napansin niyang habang may kausap ito ay sinundan naman siya ng tingin ni Sir Jake. Bakit ganoon naman kaya ang mga tingin sa kanya ni Sir Jake? Oh baka binigyan lang niya ng kahulogan ang mga tingin nito sa kanya at wala lang rito iyon? imposible namang magkakainteres si Sir Jake sa kanya na isa lang taga Isla. Lihim na natawa nalang si kerai sa kanyang sarili, masyadong mataas naman ang kanyang iniisip na magkagusto sa kanya si Sir Jake.
" Kerai, natapos kana ba sa labas?" Tanong ni Manang sa kanya.
" Opo, Manang Tisay. Tapos na po ako roon, maaga pa akong naligo at pagkatapos naglilinis agad sa labas." Sabi naman niya rito.
" Mabuti naman kung ganoon. Pagkatapos nating mag almusal ngayon, sasamahan na raw kitang mamili ng mga damit mo. Binigyan ako ni Sir Jake ng pambili ng damit mo at ayaw na daw niyang isusuot mo pa ang t-shirt niyang iyan. Bahala na kung hindi na niya iyan isusuot basta ayaw niyang nakikitang sinusuot mo ulit yan, dahil pangit daw'ng isipin at tingnan na t'shirt niya ay sinusuot mo." Mahabang wika ni Manang Tisay sa kanya.
"Grabe naman si Sir Jake, dapat sinabi niya yan kanina sa akin sa labas. Bakit Manang, masama ba na isusuot ko ito? eh, siya yung nagbigay nito sa akin at nagpasuot doon sa yate." Aniya kay Manang Tisay.
" Ay siyempre, dahil talagang kakailanganin mo ng masusuot doon kaya pinasuot niya iyan sa'yo, at ngayong okay na ay ayaw na niyang ginawa mong pambahay ang t-shirt niya, ganoon talaga sila, Kerai kaya okay lang yan, sa susunod huwag mo nang isuot yan. Buti sana kung asawa ka ni Sir Jake o girl friend dahil okay lang sa kanya." Sabi pa ni Manang Tisay.
" Ang dami ko pa palang dapat i-learn, ang hirap pala Manang kapag lumaki ka sa Isang Isla o probinsya. Doon kasi ay okay lang. Sana naisip ko agad na mali ito. nakakahiya tuloy." Sabi naman niya kay Manang Tisay.