" Ikaw kasi Bebe, halika na nga." Aniya rito na mahinang kumilos para papasok sila sa kuwarto. Mas okay kasi sa kuwarto nila dahil hindi na makikita sa Cctv. Wala pa silang trabaho dahil tanghaling tapat pa ng mga Oras na iyon. Nagmamadaling pumasok naman sina Kerai at Bebe sa kuwarto nila ni Manang Tisay. Wala si Manang Tisay sa loob ng kuwarto dahil naglaba muna ito saglit sa sarili nitong labahin sa washing area ng mansion. " Sana hindi tayo narinig ni Sir Jake sa tsismis natin, lagot talaga." Sabi pa ni Bebe sa kanya. " Kaya nga, hay naku, tiyak na magagalit yun na siya ang pinag-usapan natin at ang kanyang secretary." Sabi naman ni Kerai. "Sandali, isusuot ko muna itong isa sa mga bagong pinamili namin ni Manang Tisay . Mga pambahay ko. Mga malambot na t-shirt at pajama pants,

