CHAPTER 2

1702 Words
Kitang-kita ni Kerai kung paano lumuwa ang mga mata ng babae sa kanyang sinabi. Totoo namang hindi ito kagandahan pero may magandang pangangatawan lang ito at magandang kutis. At isa pa, hindi naman pangit ang alaga niyang isda, sa araw-araw na nakikita niya ito sa Aquarium niya ay maganda na para sa kanya ang kanyang alaga. Nakita naman niya na matiim siyang tiningnan ng guwapong lalaking nagligtas sa kanya na siyang nagmamay-ari daw ng yateng ito. Ang swerte naman ng babaeng ito na naging boy friend ang guwapong lalaki, alam niyang hindi lang basta mayaman ang lalaking ito base sa alindog at ayos nito ay parang bilyonaryo ito. Pero bakit 'Sir' ang tawag ng babaeng feelingera sa guwapong lalaki? Inis na napatayo ang secretary ni Jake dahil sa inis nito sa babaeng nailigtas ng kanyang Boss. "Lumabas na nga lang tayo, Sir. Panira ang babaeng yan, sa susunod ha, ayusin mo ang pananalita mo, kung hindi ko lang nirespeto si Sir na ma eskandalo rito sa yate niya ay dinuro ko na yang pagmumukha mo. Nagpipigil lang talaga ako." Ani Grace kay Kerai. " Miss Grace, ikaw naman itong high blood, pagpasensyahan mo na nga lang siya." Saway ni Jake sa kanyang Secretary. "Bakit galit po kayo ate? oh ayan di na Manang ang tawag ko sa'yo, ate nalang. Mabuti pa si Manong ay este si Sir pala ay mabait lang, pero kayo ay hindi. Kapag nasa Isla ka namin kapag dinuro mo ang isang tao don, naku, ilibing kang buhay sa buhangin doon kaya di pwde ang mga tulad mo doon ate." Seryosong wika niya rito na mas lalong ikinapanlaki ng mga mata ni Grace. Si Jake naman ay napahilot sa kanyang noo dahil sa narinig nito mula sa babaeng kanyang iniligtas. " Walang hiyang babaeng ito-" " Shut up, Miss Grace. Huwag kanang magsalita. At ikaw, tumahimik ka rin, ano nga bang pangalan mo?" Parang muling nainis na tanong ni Jake sa babaeng nailigtas niya. "Ahhhmm.. sorry po.." Sagot ni Kerai sa lalaki. " Yung pangalan mo, ano nga?" Ulit na tanong ni Jake sa kanya. Parang bigla namang sumigla si Kerai na tinanong Siya sa kanyang pangalan ng guwapong lalaking nagligtas sa kanya. " Ahh Sige po magpakilala po ako, Sir.." Ani Kerai at napatingin sa babaeng matalim na nakatingin sa kanya. Gusto pa niyang inisin ito dahil sa kapangitan ng ugali nito kaya may naisip siyang mas mainis pa ito sa kanya. " Ganito kami sa Isla namin magpakilala, Sir , 'The sun was shining, but you're still sleeping, just put to your dreaming, Kerai is my name Sir!" Napangiting wika ni Kerai kaya mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Jake na nakatingin sa kanya. At mas lalong lumaki ang butas ng ilong ni Grace na nakatingin kay Kerai. "Joke lang po Sir, masyado po kasi kayong seryoso, at gusto ko lang sumigla naman kahit kunti ang katawan ko dahil nalulungkot po ako ngayon sa nangyari sa akin." Pahabol na wika ni Kerai na muling nawaglit ang ngiti sa labi. "Pwedi bang umayos ka? nakakainis ka naman, kung okay ka na, lumabas ka na dito sa Day cabin, huwag kang magmokmok dito para tuloyan ka nang sisigla." Galit na wika ni Jake kay Kerai. " Maloloka ako sa kanya, Sir Jake. Hay naku!" Sabi pa ni Grace. Hinila na ni Jake ang secretary na si Grace palabas. "Lumabas kana dito, tingin ko'y parang okay kana." Muling wika ni Jake kay Kerai bago tuloyang tumalikod na sila ng kanyang secretary. "Opo Sir." Tugon ni Kerai at inismiran ang babaeng nagngangalang Grace nang tumalikod na ang mga ito. Ang totoo'y pinainis niya lang lalo ang babaeng koring na iyon na akala mo kung sino. Sabi ng tatay Bong niya at Nanay Lida ay huwag daw siyang magpapaapi sapagkat ay pantay-pantay lang naman ang tao sa harap ng panginoon. Medyo okay naman ang kanyang pakiramdam nang muli siyang nakaidlip kaya lalabas nalang siya. Gusto niyang mamasyal sa yateng ito. Ngayon pa siya nakasakay ng ganitong sasakyan. Paglabas niya ay mas lalo siyang napahanga sa kanyang nakita. Maganda at halatang matibay ang yate at mamahalin ang mga material na binuo nito. Napunta naman siya sa may Main deck kung saan matatanaw niya ang malawak na karagatan. Nasulyapan pa niya ang babaeng nagbigay sa kanya kanina ng isang bowl na lugaw. Nagprepare ito ng pagkain sa dining area. Nasasakupan kasi ang Dining area sa Main deck ng yateng iyon. Iniwan na muna niya ang panonood sa karagatan at nilapitan ang naghahandang si Aling Tisay. Nakangiti Naman agad ito nang makita siyang lumapit kaya nginitian din niya ito. " Ali, okay na po ako." Sabi niya agad rito. "Mabuti naman kung ganoon na okay kana, sa Isang mesa na tayo mag-almusal dahil sina Sir Jake dito at ang kanyang secretary kakain. At pagkatapos nilang mag almusal ni Sir ay saka ko tatawagin ang mga tauhan ni Sir para Kumain na rin sila." Sabi nito sa kanya. "Tutulongan na po kita, Ali." Aniya rito. " Manang Tisay ang itawag mo sa akin." Sabi nito sa kanya. "Oh sige po, Manang Tisay. Ahhm, Secretary pala ng Sir niyo po dito ang babaeng kasama niya?" Tanong niya rito. " Oo, secretary niya 'yan. Pero may girl friend naman yan si Sir Jake, ginawang palipas oras lang ni Sir ang babaeng yan, nag-away kasi si Sir Jake at ang girlfriend niya. Bukas pa kami uuwi, dahil linggo na bukas at may office si Sir." Wika nito sa kanya. " Naku po, paano po ako? tiyak na nag-alala na ang nanay at tatay ko." Sabi niya rito. "Wala kang choice kundi sasama nalang sa pag-uwi namin, magpasalamat ka nalang na ligtas ka. At dahil malayo ang lugar mo ay dapat ka munang mag- ipon bago makauwi. Ang gagawin mo nalang ay tawagan mo ang mga magulang mo para ipapa alam sa kanila na buhay ka." Advice sa kanya ni Aling Tisay. Nagliwanag naman ang mukha niya sa idea na sinabi sa kanya ni aling Tisay. " Salamat po, gagawin ko po yan, pero ang tanong, buhay pa kaya ang tatay ko? kasama ko po siya sa laot eh." Biglang nalungkot na wika ni Kerai. " Kaya nga dapat gagawa ka ng paraan para maka contact sa pamilya mo, para malaman mo kung nakita ba ang tatay mo. Kawawa naman kung hindi nakita." Sabi ulit ni Aling Tisay. Patuloy silang nag-uusap habang tumulong nalang din siya sa paghanda sa pagkain para sa amo ng mga ito, ang lalaking nagligtas sa kanya. " Huwag naman po sana. Sana'y nakaligtas ang tatay ko." Wika niya. " Ipagdadasal mo nalang, ineng na buhay ang tatay mo." " At saka, papayag po kaya si Sir na nagligtas sa akin na sasama po ako sa pag-uwi niyo? hindi ko po alam kung saan ako, Manang. Takot pa naman ako sa Siyudad." Prangkang sabi niya. " Papayag yun, mabuting tao naman si Sir Jake, niligtas ka pa nga niya at iyang suot mo nga ay sa kanya yan, may mga extra kasi siyang damit dito sa yate niya sa Master cabin, at pinasuot niya sa'yo ang isa sa mga damit niya rito. Oh, diba mabait?" Sabi pa ni Aling Tisay na nakangiti. Namangha naman siya sa nalaman na ang lalaking nagligtas sa kanya na amo ng mga ito ay siyang nagmamay-ari pala ng kanyang sinuot na damit ngayon. "T-talaga po? sa kanya po ito?" Nasorpresang wika niya. " Ay oo, sa kanya yan." Anito sa kanya. Natigil ang pag-uusap nila nang dumating ang guwapong lalaking amo na nagligtas sa kanya sa dining area at ang babaeng koring na secretary nito. Galit parin ang mga tinging ipinukol sa kanya ng babaeng secretary na kasama nito at ito naman ay saglit lang siyang tinapunan ng tingin nito. "Good morning Sir, tamang-tama naihanda na ang almusal niyo." Salubong namang sabi ni aling Tisay sa mga ito. " Okay, Aling Tisay. Kumain na rin kayo ni.. ni.. ano nga ulit yung pangalan mo?" Tanong ulit ni Sir Jake na muli siyang tiningnan nito. " Kerai, po Sir." Agad niyang sagot rito. Bahagya pa itong nakangiti nang muling marinig ang kanyang pangalan. "Oh Sige, kumain na rin kayo sa isang mesa ni Kerai , Aling Tisay." Ani Sir Jake na sabay umupo at pumuwesto na sa upuan ng mesa. Sumabay na ring umupo si Miss Grace rito at sabay na ang mga itong nag almusal. Hinila naman siya ni Aling Tisay sa isang mesa na may nakahanda na ring pagkain para sila'y mag almusal na rin. Matapos ang kanilang almusal ay nagpasyang pumasyal si Kerai sa buong yate na iyon. Hinayaan nalang niyang si Aling Tisay ang maghanda ng pagkain para sa mga kasamahang tauhan ng mga ito sa yate. Hindi naman niya napigilang umakyat sa pinaka ibabaw ng yate sa may sun deck na area kung saan may malakas na hangin at matatanaw ang buong paligid pati na ang nasa malayo. Gusto niyang tatanawin ang lugar na kanyang pinanggalingan kaya umakyat talaga siya roon. Nagliwanag ang mukha niya nang may matanawan siyang isang malaking pamboat na pangisdaan sa unahan at mukhang patungo iyon sa kanymilang Lugar sa Isla Conception ng Iloilo City. Hindi niya napigilang sumigaw at kumaway sa malaking pamboat na iyon. "Hooooy!! taga Isla Conception po ako! tulongan niyo po akong makauwi! nandito po ako! si Kerai po ito! yohooo!!! Kerai is here!! " Malakas na sigaw ni Kerai at wala siyang pakialam na maiingayan sa kanya ang mga makakarinig, ang tanging naiisip niya ay ang makauwi sana sa kanilang Isla. Muli siyang sumigaw ng malakas upang marinig lang siya ng mga tao sa malayong pamboat na iyon at nagbabakasakaling marinig siya at taga Isla nila iyon sa Iloilo City. " Manong!! mga Manong! si Kerai po ito! nandito po ako!!" Patuloy niyang sigaw na hindi nawalan ng pag-asa. "Can you please stop what you're doing? Do you think they'll hear you?" Biglang nagsasalitang tinig sa kanyang likuran na ikinagulat naman ni Kerai. Paglingon niya'y nasalubong niya ang inis at matiim na mga tingin sa kanya ni Sir Jake, ang guwapong lalaking mayaman na nagligtas sa kanya! " Pero Sir! baka taga Isla namin yun!-" " Stop it! huwag kang makulit." Galit na wika nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD