HAWAK-HAWAK ang kumpol ng bulaklak ay binagtas ni Marissa ang pasilyo ng columbarium. Dadalawin niya ang mga labi ng lalaking nagbago ng kanyang buhay. Pagdating sa harap ng pakay na urn ay binuksan niya ang salaaming pinto niyon at inilapag ang bulak na dala. “Salamat. Kung hindi dahil sa’yo ay wala rin ako sa kinatatayuan ko ngayon. Binago mo ang buhay ko.” Pinahid niya ang luha na nagsisimula nang umagos sa kanyang mga mata. Napahawak siya sa kanyang puson at mapaklang napangiti. “Sana ay nakilala ka niya. Alam ko kasing magiging mabuti ka sa kanya.” “Kung iba ang makikinig sa mga sinasabi mo ay iisipin nilang si Vince ang ama ng pinagbubuntis mo.” Napalingon siya sa kanyang likuran at bumungad sa kanya ang gwapong-gwapon
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


