MODERN and sophisticated. Iyon ang dalawang salitang mailalarawan ni Marissa sa building ng Santiago Group of Companies. Hindi maikakailang mayaman nga ang mga ito. And she’s one of them. For now. Iginiya siya ni Mama Betty sa opisina nito. Doon raw sila maghihintay habang pinupuno pa ang conference room ng mga miyembro ng board. Mama Betty’s office is as classy as the owner. Halatang isang nasa mataas lamang na posisyon ang umuukopa roon. Nakaupo sila ng ginang sa couch ng opisina nang pumasok ang sekretarya nito. “Good afternoon, Madamme. Nandito na po ang invitation ng Pianists Guild of the Philippines para kay Sir Lance.” “Okay, Gina. Pakilagay na lang sa mesa ko,” mabilis na sagot ni Mama Bet

