Pagdating nila sa opisina ng couple’s camp ay kaagad na binati sila ng founder. “Welcome, Mr and Mrs Vasiliev. I am, Margarita Donovan but you can just call me, Ma’am Marge,” bati ng babae. Kaagad na ngumiti si CT at kinamayan ito. Nanatiling tahimik lamang si Dos. “Nasa likod na ang bus na sasakyan natin, nandoon na rin ang ibang mga couples,” nakangiting saad nito. Tumango naman sila at sumunod na. May mga lalaking staff din namang taga buhat ng mga gamit nila. Pumunta sila sa likod ng opisina at doon nakaparada ang airconditioned bus. Naunang pumasok si Marge at ipinakilala sila. “Hello, newlyweds, nandito na ang last couple na makakasama natin ngayon. Mr and Mrs Vasiliev,” masayang wika ni Marge. Kumaway naman si CT at tahimik pa rin sa tabi si Dos. Kaagad na nagsibulung

