"Dosein Niccolo!" tawag ng dalaga sa binata.
Huminto ito sa paglalakad. Maging ang mga estudyante ay nakatingin na sa kanila. Nasa gitna sila ng ground. Nakangiti lamang si Cynthee at hinintay na humarap ang binata subalit wala.
"Gusto kita! Pakasal na tayo!" sigaw niya at ngumisi nang sobrang lapad. Nilingon siya ng binata. Ang mga mata nito ay nananatiling walang emosiyon. Sanay na siya roon. Ganoon talaga ang mata ng mga Vasiliev. Kulay asul na walang emosiyon.
Dos breathed out and said coldly.
"I don't like you," malamig na ani nito at tinalikuran na siya. Kaagad na nag-ingay ang mga estudyanteng nakarinig sa sagot ng binata. Biglang sumikip ang pakiramdam ni CT at hinayaan ang luhang tumulo sa mata niya. Nakatingin lamang siya sa likod ni Dos na papalayo na sa kaniya.
"Ano ba 'yan?"
"Hala kawawa naman siya."
"Iyan kasi masiyadong confident."
Iilan sa mga narinig niya sa mga nakakitang estudyante. Inis na hinarap niya ang mga ito at sininghalan.
"Wala kang ambag sa boses ko kaya tumahimik ka at baka laplapin ko 'yang bibig mong umaabante!" galit niyang saad dito.
Kaagad na nagsiyukuan naman ang mga ito.
"Maldita talaga," saad pa ng isang babae na kasama ng mga chikahan squad. Inirapan niya lamang ang mga ito.
"Kayo ba ang ni-reject? Ang laki ng problema niyo no? Imbis na nakikiusyuso kayo rito ayusin niyo 'yang mga eyeshadow niyo at kapag ako nainis papalitan ko 'yan ng color violet na galing sa kamay ko. Mga bwesit! Ahh!" singhal niya at umalis na. Inis na naglalakad siya papunta sa room nila.
Grade twelve na si Dosein Niccolo at Cynthee Maeir Slynch. Hindi lingid sa kaalaman ng binata ang pagtatangi ng dalaga sa kaniya.
Pasalampak na umupo ang dalaga sa arm chair niya at pilit kinakalma ang sarili.
"I won't quit. Sa tingin mo sususko na ako? No, Dos. Hindi ako si, CT for nothing. Hinding-hindi kita susukuan. Alam ko namang bibigay ka rin sa'kin eh," mahinang ani niya at inis na napabuga ng hangin.
"Okay ka lang, CT?" tanong ni Rachelle. Ang kaibigan niyang nerd pero maganda. Well, kinaibigan niya ito kasi puwede niyang utos-utosan charing. Masunurin ito at hindi siya bina-back stab. Iyon ang mahalaga.
"Stress ako, Chelle. I need my small fan," utos niya rito. Kaagad na kinuha nito ang small fan niya mula sa bag nito at ibinigay sa kaniya.
"Thank you, nga pala binu-bully ka pa rin ba ni, Thomas and friends?" tanong niya sa kaibigan.
Si Thomas Santos ang baklang bully sa school nila. Number one prospect nito ay si Rachelle. Ngumiti ang dalaga at umiling.
"Hindi na, salamat sa'yo ah," nakangiting saad nito. Hinarap niya ito at inilagay sa gilid ang smll fan niya. Hindi typical na nerd si Rachelle kagaya nu'ng nababasa sa mga pocketbook. Literal na nerd si Rachelle sa books. Hindi sa ayos at porma. Hindi ito mayaman kaya tina-target na i-bully.
"Mabuti naman kung ganoon," ani ni CT.
"Eh ikaw? Okay ka lang? Nabalitaan ko ang nangyari kanina sa ground," saad ni Rachelle.
Napairap si CT at napahinga nang malalim.
"Ang bilis ng balita ah. Ayon, rejected na naman ako ng bebelabs ko. Pero okay lang, sanay na ako. Pasasaan pa at mapapasaakin din naman siya," nakangiting ani niya.
"Tigilan mo na lang kaya si, Dos. Lagi ka na lang niyang pinapahiya at nire-reject. Marami naman ang nagkakandarapa sa'yo eh. Hindi ka niya deserve," ani ni Rachelle.
Napahinga nang malalim si CT at hinarap ang kaibigan.
"Alam ko, sa ganda ko namang 'to 'di ba? Pero ayaw ko pa rin. Si, Dos lang ang gusto ko," pinal niyang saad. Napailing na lamang ang kaibigan niya.
"Ikaw, hindi ka na rin naman bata. Alam mo na ang tama sa mali," ani ni Rachelle.
"Tama man o mali basta mapasaakin lang si, Dos gagawin ko," sagot ni CT.
"Eh paano kung malaman mo isang araw na may nagugustuhang iba si, Dos? O kaya magka-girlfriend siya, ano'ng gagawin mo?" tanong ulit ni Rachelle.
Natigilan si CT at hindi alam kung ano ang sasabihin. Biglang may kumudlit na sakit sa puso niya. Gaano man niya kamahal si Dos wala naman siyang karapatan na pigilan ito kung sino ang gugustuhin.
"What if lang naman 'yon. Huwag mo na nga lang sagutin," nakangiting ani ni Rachelle.
"Hindi ko naisip 'yan. Pero ikamamatay ko siguro ang sakit. Nu'ng five years old ako akin na si, Dos. Alam ko rin namang hindi pipili si, Dos ng babae na basta-basta lang. Kaya, siguro tatanggapin ko na lang," malungkot niyang ani.
"Talaga?" nakangiting tanong ni Rachelle.
Kaagad na kumunot ang noo niya sa kaibigan.
"But, habang buhay pa ako hindi mangyayari 'yan. Gagawin ko ang lahat para mapaibig siya," ani niya at tumawa.
"T'saka huwag mo nga akong tanungin sa mga ganiyan. Natatakot ako," ani niya rito.
"Sorry, " nakangiting saad nito. Tinanguan niya lamang ang kaibigan.
"Nga pala, huwag mong kalimutan ha. Sa susunod na araw na ang 18th birthday ko. Sobrang excited na ako, kinausap ko si, Mommy na si, Dos ang escort ko, " kinikilig niyang ani.
"Eh, pumayag ba si, Dos?" tanong ni Rachelle. Kaagad na tumango siya.
"Oo naman, hindi iyon makahihindi kay, Tita Manggisian," sagot niya. Ngumiti lamang nang tipid si Rachelle.
"Mabuti naman kung ganoon," ani nito. Kaagad na nagkibit balikat lamang siya sa kaibigan.
Sabay na silang mag-lunch pababa sa cafeteria. Nasa ikalawang palapag kasi ang room nila. General Academic Strand sila at malapit na ring magtapos. Gumagawa na lamang sila ng research paper sa Practical Research subject. Hindi naman dehado si, CT sa katalinuhan. Mas matalino lang si Rachelle sa kaniya. Si, Dos naman ay mana sa daddy nitong si, Magnus. STEM din ang kinuha. Halos lahat ng babae ay nagkakandarapa sa binata. Ang guwapo naman kasi.
"Rachelle, may gusto sa'yo si, Doni ah. Balita ko nagte-text kayo. Ano na balita? May improvement na ba?" kinikilig na tanong niya sa kabigan. Kaagad na kumunot ang noo nito.
"Sino ang nagsabi? Hindi ah. Alam mo nang study first muna ako ngayon. Alam mo namang gusto ko munang makapagtapos at makatulong kina, Nanay," mahinang saad nito. Kung gaano siya ka taklesa ay siya namang ikinahinhin nitong kaibigan niya.
"Basta sabay tayong ga-graduate," nakangiting saad niya.
Tbc
zerenette