Inayos niya ang kaniyang sarili upang hindi mahalata ni Jen na umiiyak siya. “Hello?” sagot niya. “C-CT,” umiiyak na ani Jen. Kaagad na napakunot noo siya. “Ano’ng nangyari? Umiiyak ka ba?” tanong niya. “S-si K-kuya,” ani nito. Kaagad na lumakas ang kaba niya. Bigla ay parang nabingi siya. “Si Kuya nasa hospital. Nadisgrasiya siya sa drag race kanina,” sagot ni Jen. Natutop niya ang kaniyang bibig at nagsimulang magsiagusan ang luha niya. “ang hospital?” nagmamadaling tanong niya. “Pupunta ako riyan,” ani niya at hinayaan ang luhang tumulo nang tumulo. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. “Jair,” mahinang wika niya at lumabas ng bahay nila. Napatingin siya sa gilid nang huminto ang kotse ni Dos sa tapat niya. “Hatid na kita,” wika ng binata. Mabili

