"Ciensey Cadana!" sigaw ng ina niya. Kaagad na nanlaki ang mata niya at nagtago. "Huwag mo akong gagalitin, at magkakasubukan tayo. Ano'ng ginawa mo kay, Jair Junior?" galit na singhal ng ina niyang si CT. "Lumabas ka ngayon din, kung hindi sisirain ko ang make-up set mong bruha ka," inis na wika ng ina niya. Kaagad na nakagat niya ang hinliliit niya at lumabas sa pinagtataguan. Galit na nilapitan siya ng ina. "Ano'ng ginawa mo kay, JJ at umiiyak 'yon?" tanong nito. Napabusangot naman si CC at pumalahaw ng iyak. "K-kasi," Tinaasan siya ng kilay ng ina niya. "Kasi ang cute niya so ikiniss ko siya. Sabi niya baka mabuntis ako kaya iyak siya. Ayaw niya raw ako maging asawa," sagot nito habang umiiyak. Napahawak si CT sa noo niya at hindi alam ang sasabihin. Mukhang bumalik siya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


