Chapter 4

2123 Words
"CT?" tawag ng ina niya sa kaniya nang makitang pababa siya ng hagdan subalit hindi siya lumingon. Mabilis ang lakad na umuwi siya sa bahay nila at umiyak nang umiyak. "Anak?" tawag ng ina niya. Hinarap niya ito at napahagulgol na naman. "Mommy, bakit ang sakit-sakit?" tanong niya. Naaawang nilapitan siya ng ina niya. "I became too desperate for him pero wala pa rin. Ayaw niya pa rin sa 'kin," mahinang wika niya. Huminga nang malalim si Cindy. "Ano ang ginawa mo?" tanong niya sa anak. "I told him that I will give myself to him kung iiwanan niya si, Rachel," sagot niya. "What? Are you crazy?" galit na singhal ng ina niya. "CT, naman! Hindi kita pinalaki para basta-basta na lang magdesisiyon nang ganiyan," frustrated na wika ng ina niya. "Mahal ko si, Dos," giit niya. "That's not love, CT. Kapag mahal mo ang isang tao hindi ka gagawa ng bagay out of desperation. You are just obsessed. Please, nagmamakaawa ako sa 'yo anak. Huwag mong sirain ang sarili mo sa ganito. You are too young. Ang dami pang magbabago sa future. Do not dwell on the happenings today. Eighteen ka pa lang. You will know a lot of men someday. Iyong mas better kay, Dos. For now, let him and Rachel. Kung kayo, kayo okay?" wika ng ina niya. Natigil siya sa pag-iyak at napasinghot. "Hindi niyo kasi naiintindihan, Mom," giit pa ng dalaga. "Trust me, I know. Itong ginagawa mo ay ni minsan hindi ko naaalalang tinuro ko sa 'yo. Don't make me feel less as a mother, Cynthee Maeir," matigas na sambit ni Cindy. "I am so sorry, Mom. Hindi ko na po uulitin. Masiyado lang akong nadala sa emosiyon ko. Maganda naman ako right?" tanong niya sa ina. "Oo naman, mana ka sa akin eh. I want you to enjoy your youth anak. Alam ko namang kayang-kaya mo 'to. I know, may gusto ka kay, Dos. Pero ang dami rin namang guwapo na nagkakgusto sa 'yo ah. Nasanay ka kasing kay, Dos lang eh. Tumingin ka kaya sa paligid mo. Mas mabuti nga sana kung huwag muna ngayon eh. Magtapos ka muna nang pag-aaral mo," kumbinsi ng ina niya. Suminghot siya at tumango. "Thank you, Mommy. The best ka talaga. I'm sorry for being too childish," wika niya. "I hope you mean it this time. Kilala kita anak. Okay kunwari ngayon pero mamayang gabi iiyak na naman. Explore anak, matuto kang tumingin sa paligid mo. May ibang mundong ini-explore si, Dos at hindi puwedeng nakasunod ka sa kaniya lagi. Masasaktan ka lang," saad ni Cindy. Napayuko ang dalaga at huminga nang malalim. "S-sige Mommy, susubukan ko," sagot niya. "Huwag mong subukan, gawin mo anak. And one day you will realize I was right," nakangiting wika ng ina niya. Tumango naman siya. "Let's go back now, " sambit ng ina niya. Sumunod naman agad siya. ------------------- "Hi," bati ng isang babaeng tahimik lang sa gilid. Nilingon ito ni CT at nginitian. "Hello," sagot niya. Mukhang hindi pa ito makapaniwala na pinansin siya ng dalaga. Kuminang ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. "Halika, tabi tayo," wika niya sa babae. Lutang na lumapit naman ito sa kaniya. "Ako nga pala si, Jennifer," pagpapakilala nito sa sarili. "I'm.." "CT, kilala kita. Sikat na sikat ka sa buong school. Kayo ang may-ari right?" tanong nito. Alanganing napatango naman siya. Kasalukuyan silang nasa gymnasium ng university. Manonood siya ng game. Nandito kasi ang bagong crush niya. Saktong nag-iisa siya at kasama itong si Jen ngayon ay hindi na siya nabo-bored. Chubby ito at kulot. "Manonood ka ba ng game ni, Dos?" kinikilig na tanong nito. Natigilan siya at ngumiti nang alanganin. "Hindi, kita mo 'yung nakasuot ng black shirt? Iyong guwapo na parang kamukha ni, Kyle Kuzma? Iyon ang crush ko ngayon," nakangising wika niya. "Talaga?" tanong nito. Kaagad na kumunot ang noo ni CT at tiningnan ito. "Bakit? Crush mo rin ba siya?" tanong niya rito. Mukhang may karibal na naman siya. "Hindi no, iyang mukhang unggoy na 'yan?" asik nito. "Ang guwapo kaya, ano'ng mukhang unggoy?" wika niya. "Bakit parang galit na galit ka sa kaniya? Ex mo ba siya? " naguguluhan niyang tanong. Kaagad na bumunghalit ng tawa si Jennifer. "Kuya ko 'yan no," natatawang sagot nito. Nanlaki naman ang mata ni CT. "OMG! Ano ang pangalan niya? Bakit ngayon mo lang sinabi?" asar niyang saad dito. "Nagtanong ka ba?" sagot nito. Napairap naman siya. "Sige na, ano ang pangalan ng kuya mo?" pamimilit niya ulit kay Jen. "Jair as in Ja-yer," sagot nito. Napangiti naman ang dalaga at napatango. Ang guwapo ng pangalan. "Ang guwapo naman ng pangalan," puri niya. Nakatingin lamang siya sa binata. Matangkad ito, moreno, bagay na bagay ang haircut sa korte ng mukha. Hindi ito guwapo pero malakas ang dating. Parang Kyle Kuzma talaga. Hindi kaguwapohan pero nakaka-attract ang tangos ng ilong. Kung si Dos kasi ibang klaseng usapin na iyon. Hindi perpekto si Dos pero hindi puwedeng hindi umangat kung paguwapohan lang naman. At wala na siyang pakialam doon. "Crush mo kuya ko?" tanong ni Jen. Nilingon niya ito at kinunutan ng noo. "Hindi ah," mabilis niyang sagot. Nagkibit balikat lamang si Jen at ngumiti nang palihim. Unti-unti na ring dumadami ang mga estudyante kahit training game lang naman ito ng mga basketball players para sa laban sa ibang university. "Ang daming guwapo, oh gosh! Nandiyan na si, Dos," tili ni Jen. Napatingin siya sa tinuturo nito at nakagat ang labi. Kaagad na sumigid ang kirot sa sugatan niyang puso. Hindi niya pa rin kayang salubungin ang mga mata nito. Weeks had past at pinipilit niya talaga ang sarili na huwag na itong isipin. Nasasaktan pa rin naman siya pero bearable naman. Nakita niya si Rachel na nakaupo sa bleachers sa gilid kung saan nandoon din ang bag ni Dos. She was trying to be happy for them. Umaasa siyang makakalimutan niya rin ang binata at magiging okay na sila ng kaibigan. "Hi," saad ng isang baritonong boses. Napaangat siya ng tingin at nagulat. Nasa harapan niya si Jair at nakangiti. Lumukso yata ang puso niya sa gulat. Napatingin siya kay Jen at ibang estudyante ay napatingin na rin sa kanila. Ramdam na ramdam niya ang panlalamig ng kaniyang kamay. "H-hello," bati niya pabalik at alanganing napangiti. Pangisi-ngisi lang naman si Jen sa gilid. "Kuya, si CT kinaibigan ako. Huwag kang mag-alala, CT. Matagal nang may crush sa 'yo ang kuya ko," saad ni Jen. Kaagad na nanlaki ang mata niya at napatingin sa binata. Napakamot ito sa likod ng ulo niya at nahihiyang napatingin sa kaniya. Ni hindi siya makapagsalita. "CT, pakikuha nga ng water bottle at ibigay mo kay, Kuya," utos ni Jen. Kaagad na tumalima naman siya at ibinigay iyon sa binata. "Thank you," wika nito at tumalikod na. Inis na hinarap niya si Jennifer at tinampal ito. "Walang hiya ka, bakit mo ginawa 'yon? Hindi ako ready," reklamo niya. "Esus, ang ganda mo kaya. Ano pa ba ang paghahandaan mo? Eto, muncher kain ka. Nilagyan ko 'yan ng sukang may sili. May safari rin ako rito," sagot ni Jennifer. Kinuha iyon ng dalaga at napatingin sa court. Pakiramdam niya ay pinukpok siya ng maso nang makitang nakatingin sa gawi niya si Dos. Siya na rin ang unang umiwas at napatingin kay Jair. Nakangiti ito at minsan ay napapatingin sa gawi nila. Pinagsisiko naman siya ng kapatid nito. "Inspired 'yan maglaro kasi kinausap mo," ani nito. "Talaga?" kinikilig niyang tanong. "Oo nga, ang ganda-ganda pero paulit-ulit naman," reklamo ni Jen. Napaka-reklamador talaga kahit kakikilala lang nilang dalawa. Nanatiling nakapokus lamang ang dalaga sa laro. Iniiwasan niya lang kapag si Dos na kasi may kumikirot pa rin sa loob. Doon na lang muna siya kay Jair na sobrang galing maglaro. Napangiti siya nang manalo ang team nito. Kaagad na tinukso ng team mate niya si Jair nang lapitan siya ulit nito.Sumikdo naman ang puso niya. Nakaramdam naman ng hiya ang dalaga. Napatingin siya kay Jennifer na kinikilig pa sa gilid. "T-tubig?" ani niya rito. Napakamot si Jair sa batok niya at tinanggap iyon. "Thanks," sagot nito. Napangiti naman ang dalaga. Napatingin siya sa relo niya at kinuha na ang bag. "Uuwi na ako, hapon na eh. Paano, ahm Jen? Una na ako sa inyo," paalam niya. "Puwede mahingi number mo?" tanong ni Jen at nginisihan siya. Kaagad na napatango siya. "Oo naman," sagot niya. Ilang minuto pang pag-uusap at nagpaalam na siya. Nakangiti lamang siya habang naglalakad papunta sa labas ng school. Paniguradong naghihintay na ang driver niya. Inayos niya ang buhok niya at kinuha ang cellphone nang tumunog iyon. Kinuha niya ang cellphone at may text si Jen. Informing her that it's her. Hindi niya rin maintindihan kung bakit ang gaan ng loob niya kay Jen. Kanina niya lang nakilala pero pakiramdam niya may kakaibang koneksiyon sila. Huminga siya nang malalim at napangiti. Nagpatuloy na siya sa paglalakad at nakita sa hindi kalayuan si Dos at Rachel. Mukhang papunta rin sa kotse ng binata. Nakatingin din ito sa gawi niya. Pakiramdam niya ay may kung anong nakaipit sa puso niya at kumikirot iyon. She breathed again and smiled. Inilihis niya ang kaniyang tingin at sumakay na sa kotse. Ilang sandali lang ay dumating na sila sa bahay nila. Bumaba siya at dumeritso sa kaniyang kuwarto upang magbihis. Wala pa ang mommy at daddy niya. Sigurado siyang busy iyon sa business nila. Nagsuot lamang siya ng simpleng white fitted shirt at black short shorts. Pupunta siya sa hindi kalayuang parte ng subdivision. Malapit lang naman na café. Dala niya ang pera na inilagay sa bulsa at hawak ang cellphone niya. Lumabas na siya at nagpaalam sa katulong nila. Kinakabahan siya dahil madadaanan pa niya ang bahay nila Dos. She acted normal. Bilang na bilang ang hakbang kasi magkatabi lang naman ang bahay nila. She was silently praying na hindi siya makita nino man para hindi siya tawagin. "CT!" tawag ng pamilyar na boses. Natigil sa paglalakad ang dalaga at napapikit. Lumingon siya at hinarap ang Mommy Manggisian niya. "M-mommy," ani niya at nginitian ito. Ang ganda talaga ng ina ni Dos. Lumabas ito ng gate at nilapitan siya. "Saan ka pupunta?" nakangiting tanong nito. "Sa Grant's Café lang po. Kakain lang ng meryenda," magalang niyang sagot. "Halika rito sa loob. Nagmemeryenda rin si, Dos eh. Sabayan mo na, nagluto kasi ako kanina ng blueberry cheese cake. Alam kong gustong-gusto mo 'yon," wika nito. Natigilan ang dalaga at naglalaway ang bagang niya. Ngayon pa talaga tumayming. Paano siya aayaw sa guilty pleasure niya? "Tara?" ani ni Manggisian. Kaagad na tumango siya at pumasok na sila sa loob. Pagkapasok nila sa loob ay nakita niya si dos na kumakain ng cake. "Babalik agad ako," saad ng ina ng binata at pumunta ng kitchen. Nahihiyang umupo naman ang dalaga sa kaharap nitong couch. Tahimik lamang siya at kinalikot ang cellphone niya para kunwari hindi siya affected sa presensiya ng binata. "Here it is, enjoy anak. Doon lang ako sa labas ha nagti-trim kasi ako ng mga tanim kong bulaklak. Dos, be kind to, CT," bilin ni Manggisian. Kaagad na nilantakan naman ni CT ang cake niya. Napapikit siya sa sarap nu'n. "Grabe," ani niya at napailing. Napatingin siya kay Dos na nakatitig lang pala sa kaniya. Mabilis na kinuha niya ang juice at ininom. Nabilaukan yata siya sa titig ng binata. "Bilisan mong kumain para makauwi ka na," malditong saad nito. Natigil naman sa pagnguya ang dalaga at nanginginig ang kamay na inilagay ang platito sa maliit na glass table. "D-dos, alam kong mali iyong nagawa ko. I regretted all of it. I'm so sorry kung naging immature ako. Alam ko namang hindi mo ako magugustuhan eh. Sorry talaga, sana ay maniwala kang pinagsisihan ko 'yon. Promise ko sa 'yo hindi na ako mangugulo sa inyo ni, Rachel," saad niya. Nanatiling nakatitig lamang ang binata sa kaniya. Nag-abot na rin ang kilay nito sa sinabi niya. Naguluhan naman siya. Imbis kasi na matuwa ito ay para bang mas nagalit pa sa kaniya. Minsan talaga hindi niya ito matimpla. Inubos niya ang laman ng platito at tumayo. "Salamat," nagmamadaling sambit niya at tumalikod na. Mukha kasing nainis na ang binata sa presensiya niya. "Mommy, thank you sa cake. May gagawin pa pala akong assignment. Uwi na ako, maraming salamat po," ani niya kay Manggisian. Ngumiti ito at tumango. "Sige anak," ani nito. Nang makalabas ang dalaga sa gate ay napahawak siya sa dibdib niya. Napatingin siya sa malaking bahay at napailing. "Nasabi mo na ang dapat mong sabihin. Ngayon, ayusin mo ang sarili mo, CT. Kailangan mo nang mas matinding kontrol sa sarili. Sanay ka na namang masaktan eh. Kaya mo 'to," kausap niya sa sarili niya at umuwi na sa bahay nila. Tbc zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD