Maaga pa lang ay gising na ang dalaga. Excited siya na kinakabahan. Naligo siya pagkatapos ay tiningnan ang sariling repleksiyon sa salamin. Inayos niya ang kaniyang buhok at uniform. “Paano kaya kita kausapin mamaya, Jair?” tanong niya sa kaniyang sarili. Nababaliw na yata siya. Gusto niyang maging komportable sa harap ni Jair pero kinakabahan siya. Baka bigla ay mapatid siya habang nakatingin kay Jair. Hindi niya yata keri ang ganoong pagkapahiya. Ano na lang ang iisipin ni Jair? Nagkajowa lang siya bigla naging overthinker na. “Brace yourself, CT. Para namang hindi ka sanay,” kausap niya sa kaniyang sarili. Napabuga siya ng hangin at napapikit. First boyfriend niya si Jair kaya natural na hindi siya sanay. “Bahala na nga,” ani niya at bumaba na ng kuwarto. Dumeritso siya sa kusina

