Ariane “Anak, mukhang wala ka na talagang plano na bumalik sa New York, ang dami na nitong mga gamit na dinala mo,” reklamo ni Mama habang umaakyat na kami papasok sa private plane na pag-aari ni Cleo. “Ma, hindi ko naman dinala ang buong cabinet ko pati na rin ang mga TV, washing machine, refrigerator at rice cooker na nandun pa sa bahay ni Cleo. Kaya hindi pa ako sigurado Ma, alam mo naman ganiyan lang talaga ako mag-impake. Marami ka rin namang dala na gamit nagreklamo ba ako?” pambabara ko sa Nanay kong agad naman akong kinurot sa tagiliran. “Sinasagot mo na akong bata ka, hintayin mo talagang makauwi tayo sa bahay. Makakatikim ka talaga,” nagtitimpi niyang sagot. Kasalukuyan na kaming nasa loob ng eroplano at biglang napatigil si Cleo at lumingon kay Mama. “Can I taste too?” Sand

