Ariane Hindi na kami nagtaka nang maabutan namin sa harap ng building ang kumpulan ng media. Angel is really going all out for this. “Anong gagawin natin?” tanong ko sa dalawang halata rin ang pagkabahala sa kanilang mga mukha. “We’ll go inside through the other entrance just like what we did before,” sagot naman ni Maxine. Tumango ako at nagsimula nang ihanda ang mga gamit ko, ganun na rin ang sarili ko. Ito ang unang pagkakataon na nangyari ito sa buhay ko, siyempre unang beses rin kasi akong nang bato ng icing sa isang sikat na model eh. Karma is a b***h talaga. Pero kahit na ganun ay hindi pa rin ako nangsisisi na ginawa ko ‘yon lalo na kung nakatulong ako kay Lerdine to pursue the person he really loves. “Girls, I need the both of you to run as fast as you can the moment we step

