Ariane “Sigurado ka na talaga na hindi mo iiwan at sasaktan ang anak ko sa pagkakataong ito?” Agad namang tumango si Cameron sa naging tanong ni Mama. Kasalukuyan kaming nasa bahay ngayon, kakauwi lang namin galing sa lugar kung saan ako iniwan ng magagaling kong kaibigan at pati na rin si Mama. Hindi kami nakapag-kwentuhan sa kalagitnaan ng biyahe dahil natulog lang ako, masyado akong napagod sa mga nangyari kahapon. Pero kahit papaano ay magaan na ang loob ko dahil nailabas ko na lahat ng mga itinatago kong nararamdaman. Abala si Mama sa paghahanda nang dumating kami rito sa bahay dahil mayroon daw siyang lakad. Hindi ko nga alam kung saan na naman ang punta niya dahil wala naman siyang binabanggit sa akin, kung tama ako mas alam pa nga siguro ni Cleo ang mga ganap ni Mama. Nagpumili

