Ariane “Alam mo Max, minsan talaga may mga lugar na nagpapaalala saatin ng mga tamis ng kahapon.” Parang biglang nangati ang kamay ko na batukan si Rezelle sa sinabi niya. Nandito kasi kaming apat ngayon sa loob ng elevator. Oo, apat. Ako, ang dalawang tuko at si Cameron. Nasa pinakasulok ako ng elevator habang nasa gilid ko naman si Maxine at si Rezelle naman sa harapan ko, nagsisilbing pader ang dalawang kaibigan ko para lang hindi ko masilayan si Cameron. “Anong mga lugar naman ‘yan ha?” Nagmamaang-maangang tanong ni Maxine sa kaniya. At nakisama pa talaga siya. “Kung ako lang yung tatanungin, there’s a lot of places that reminds me of some beauty, sad and even wild memories. You know what I’m saying?” Sabay naman kaming napangiwi ni Maxine dahil sa naging sagot ni Rezelle. “Kah

