1

2060 Words
Ariane "CONGRATULATIONS!" Nakakarinding sigaw ni Mama nang matapos yung Graduation Ceremony, shota ang supportive talaga ng nanay ko. Sa wakas naka-graduate na rin kami. Pagkatapos ng walang humpay na kopyahan este walang humpay na pag-aaral, nakatapos din. Pero wala pa nga lang kaming plano na maghanap ng trabaho siguro tambay-tambay muna, dang! Sasapatusin ako ni Mama kung nagkataon. I mean pahirapan na kaya ang paghahanap ng trabaho ngayon, lalo na dito sa siyudad namin. Charion the great city, patrabaho ka naman diyan. Gusto ko kasi na within the city lang yung trabaho ko, ayokong iwan si Mama mag-isa. "Tita, may kainan bang magaganap sainyo?" tanong ni Rezelle sabay hagikhik, sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw Rezelle mahiya ka naman! Sainyo ba walang handaan? Hello?! Sabay kaya tayong nagtapos pero kung walang handaan sa inyo kina Ariane nalang tayo, diba Tita okay lang naman sainyo diba?" isa rin 'tong si Maxine, akala ko pa naman aawatin niya si Rezelle pero duh! "Aba'y okay na okay lang naman saakin! Let's go sa bahay!" masayang sigaw ni Mama, nanlumo ako sa isinagot ni Mama, madami na namang hugasin. "YEHEY!!!" sigaw ng dalawang babaita at tumatalon-talon pa agad nilang inakbayan si Mama, pesteng mga tuko to, pero sige na nga lang alam ko na pare-pareho lang yung magulang ng dalawang 'to sobrang busy sa trabaho at hindi na sila nabibigyan ng pansin, nabibigay nga nila yung mga gusto ng anak nila pero ang pag-attend ng college graduation hindi nila magawa? Si Mama yung naging proxy ng mga magulang nila pero hindi na nagreklamo si Mama kahit pa tatlong beses siyang umakyat sa stage kanina, eh iba-iba naman yung apilyedo namin. Pero game na game naman siya, mahal niya itong dalawa na para niyang anak. Pagmamahal na hindi naranasan at naibigay sa dalawa, kaya nga sa kanila ko talaga nakikita yung kahit na gaano karami ang pera mo hindi ka pa rin magiging masaya kung walang oras sa’yo ang mga magulang mo. Sinabihan ko nga itong dalawa na sa kompanya nalang ng mga magulang nila sila pumasok. Pero agad naman silang tumanggi, ayaw daw nila magtrabaho ng nape-pressure. Tama nga naman, hindi magiging maganda ang performance mo sa trabaho mo kung palaging bantay sarado ang ginagawa mo. Lalo na’t laging pinupuna ang mga pagkakamali mo. Doing mistakes is part of being a human. Nobody’s perfect. Siguro nga kahit hindi naman ako ganun katalino o kabait, dahil sa nanay ko naging kaibigan ko ‘tong dalawa. Naalala ko pa nga dati pinipilit nila si Mama na ampunin silang dalawa, umabot pa nga sa punto na tinawagan si Mama ng mga magulang ng dalawa dahil lang sa ampon-ampon na gusto nung dalawa. Saakin okay lang naman kung ampunin ang dalawa, hindi na ako lagi ang maghuhugas ng pinggan. Pero bilang nag-iisang anak, nangangarap rin naman akong magkaroon ng kapatid. Mas lalo ngang nalumbay ang buhay ko nung sumakabilang-buhay si Papa, pero kahit na wala na siya. Patuloy pa rin kami ni Mama na inaalagan at minamahal ang isa’t isa. "Anak! Anong pang hinihintay mo diyan?” napabalik ako sa reyalidad na maghuhugas na naman ako ng pinggan mamaya nang tawagin ako ni Mama,“yung boyfriend mo ba? Wala kang ganun anak, remember?" napanguso ako sa sinabi ni Mama, napaka supportive talaga ng Nanay ko kahit kailan. Pero palagi akong pinipilit na magkwento sa kaniya kung may nagugustuhan ba ako at gusto niya pang ligawan ko ito. Ewan ko nalang sa Nanay kong nanligaw sa Tatay ko. "Ay hala si Tita ang harsh mo naman, may jowa kaya si Ariane," nakangiting sabi ni Maxine, peste alam ko na kung anong ibig sabihin niya. Kahit na may pagkaseryoso ‘tong si Maxine may bahid ng kagagahan rin ‘to, nakuha niya ata sa laging pagsama dito kay Rezelle na puro kagagahan ang alam. Ni hindi nga siguro niya kabisado ang multiplication table. Pero mga pangalan ng mga lalaking jowable sa eskwelahang pinag-aaralan namin, kabisadong-kabisado niya pati vital statistics. "Tita, alam mo bang napakagwapo ng jowa ni Ariane, sa pagiging gwapo niya nakaklimutan na niyang magsuklay, magsipilyo at maligo," tumatangong saad naman ni Rezelle, nagsalita na nga ang pesteng mga babaeng 'to! “Rezelle grabe ka naman kay Lerdine, parang hindi ka nangopya ‘don” suway ko aman sa kaniya, I mean hindi lang talaga ganun ka hygienic si Lerd. Marami ‘ata siyang pariorities. "Ha? Nagkajowa si Ariane? May nagkamaling pumatol sa kaniya?!" gulat na tanong ni Mama sa dalawang tuko na nakaakbay sa kaniya, at nagtanong pa talaga kung may nagkamaling pumatol saakin? Jusko naman. Lagi nalang ganiyang tanong ang natatanggap ko. Umay na. "Ayun oh," sagot ni Maxine sabay nguso sa likod ko, jusmeyo nandito na naman 'tong lalaking 'to, huminga ako ng malalim at naghahanda na hindi huminga, makakalanghap na naman ako ng polluted air. "Ehm. Hi Ariane," bati nito habang napakamot sa batok niya. Hindi pa nga ako matingnan ng diretso, he’s always like this. Para bang laging unang pagkikita namin sa tuwing nagkaka-usap kami. Hinarap ko siya at nginitian, "Hello Lerd, Lerdine congrats cumlaude" sagot ko sa kaniya, agad namang namula yung pisngi niya, hayst hindi pa ba siya aalis sa harapan ko? Pagtatawanan lang siya ng dalawang tuko. Mabait naman si Lerdine pero laging nilo-look down dahil sa porma nito. Alam kong may mga ugali talaga ang ibang tao na hindi mawawala sa kanila lalo na’t lumaki sila na lagi itong nakikita sa mga magulang nila. Maxine at Rezelle is just teasing me. Palagi ko na rin silang pinagsasabihan sa mga hindi kaaya-ayang ugali nila sa loob ng mahabang panahon na magkasama kami lagi, nagbabago rin ang ugali nila. Ganun naman talaga, habang tumatanda tayo mas lalo nating naiintidihan ang mga pinaggagawa natin sa sarili natin at sa mga taong nakapaligid saatin. Ang lalaking kaharap ko ngayon ay walang iba kundi ang nag-iisang Lerdine Arances, ang pinakamatalinong estudyante dito sa school namin, sa sobrang talino niya hindi na niya naaalagaan yung sarili niya, I mean yung datingan niya hindi kaaya-aya kung una mo siyang makikita ay aakalain mong isa siyang pipitchuging estudyante na pinapahirapan at binubully pero hindi, walang gumagalaw sa kaniya dahil hindi mo matatagalang makipag-usap o lumapit sa kaniya, isa pa hindi ka rin magkakamaling baggain ang lalaking 'to dahil makapangyarihan yung pamilya niya, isang suntok mo sa lalaking 'to hindi mo na alam kung san ka pupulutin kinabukasan. Mayroon siyang makinis na balat, halatang galing sa isang mayaman na pamilya. Ewan ko ba bakit ang ibang tao, mga kapintasan lang ang nakikita sa kaniya. Gwapo siya kung mukha lang naman ang labanan, hindi nga lang nakikita ng iba ‘yun. Kasi walang gusto na lumapit sa kaniya. Kahit nga ako pinagsasabihan ng dalawa kong kaibigan kung bakit ko pinapansin si Lerdine. Malamang tao rin naman siya at isa pa hindi naman siya gumawa ng mga bagay na makakasama saakin, malinis ang intensiyon niya bilang tao, bilang isang kaibigan. Matagal ng umamin saakin si Lerdine, nung first year pa siguro kami. Hindi naman sa pinapaasa ko siya. Ilang beses ko na rin siyang sinasabihan lagi na hindi pa ako ready na pumasok sa isang relasyon, pero hindi siya nagpapatinag. Kaya hinahayaan ko nalang, makakahanap rin siya ng babaeng magpapatibok sa puso niya. At hindi ako ‘yun, infatuation lang yung nararamdaman niya para saakin kasi ako lang ang tumuturing sa kaniya na para bang isang kaibigan. Hindi ako tinuruan ng mga magulang ko na pumuna sa iba. May iniabot siya saakin, isang maliit na kahon na kulay violet, hindi na ako nagdalawang isip pa na tanggapin ito, alam kong hindi ko naman siya matatanggihan, binuksan ko yung kahon at bumungad saakin ang isang silver na kwintas na may pendant na camera tapos yung led nung camera, teka diamond ba 'to? Shota kapag binenta ko 'to yayaman na kami. Naguguluhan kong tinignan si Lerdine, "Hindi mo naman kailangan pang mag-abala, sobra-sobra na 'to, baka isang araw sugurin ako ng Nanay mo at singilin sa mga bagay na ibinibigay mo. Baka ipakulong pa ako,” nailing kong sabi sa kaniya, isa sa mga ugali ko ang pagiging takot sa mga bagay na binibigay saakin. Natatakot ako sa mga maaaring hinging kapalit. Tumawa siya, kinakabahan naman akong napakamot sa ulo ko. Dandruff na naman siguro ‘to. "Padating sa'yo alam mo namang sobra-sobra talaga yung ibibigay ko. Hindi dahil gusto kita, ito’y dahil ikaw ang unang kaibigan na meron ako, ang taong hindi ako itinuring katulad ng pagturing ibang tao saakin. Hindi naman ako robot na hindi nasasaktan kapag naririnig ko yung mga sabi-sabi nila, siguro nasanay na rin ako pero nung nakilala kita nagkaroon ako ng kaibigan. And don't worry about my gift saakin naman yung pera na ginagastos ko you know I have my own---" "Thank you Lerdine, ang ganda talaga nito kahit na ayaw kong tanggapin wala rin naman akong choice, sorry wala ako maibigay sa'yo, I’m sorry but I have to go magluluto pa kasi kami ni Mama eh, gusto mo pumunta sa bahay?” Mabuti ng putulin ko yung pagsasalita niya baka magpakita pa ng powerpoint presentation eh. Nai-imagine ko na ang reaksiyon ng dalawa at ni Mama kapag isinama ko siya sa bahay, pero gusto ko ring maranasan niya yung ganoong handaan diba. "I’d like to, but I got some appointments later. Seriously Ariane, gusto ko talaga pero hindi pwede,” malungkot niya namang sagot. Siguro nga mahirap maging anak mayaman, sa pagkakaalam ko siya na ang magma-manage ng kompanya nila kaya siguro busy talaga siya. “Okay lang, sa susunod nalang. Sige na mauna na ako,” tatalikuran ko na sana siya pero nagsalita siya ulit. “Ariane may favor sana akong hihilingin sa'yo, you may think it as a gift for me," pisti kinakabahan ako sa pabor na ‘to. "Ano naman yun Lerd?" agad akong tanong sa kaniya, ayoko nang humaba pa yung usapan na'to. Baka kung ano pang sabihin ng dalawang tuko kay Mama, ayokong umuwi na puro paliwanag ang gagawin ko. "You will work in our company, we need more photographers." Eh? Teka, sandal, wait! Natigilan ako, parang nahihirapan ang utak ko na iproseso ang sinabi niya. Shit! Kakagraduate ko pa lang pero magkakatrabaho na agad?! "Talaga Lerd?!" masaya kong tanong, jusko ko ito pabang tatanggihan ko? "Kailan pa ba ako nagbiro sa'yo Ariane?" tanong niya pabalik, hindi ko napigilan yung sarili ko na yakapin siya, jusko alam ko pagtitripan na naman ako nina Maxine nito. Alam kong nakatingin lang ito sa malayo, pero grabe isang blessing ko talagang maituturing si Lerdine, hindi na ako mahihirapang maghanap ng trabaho. Lerdine hulog ng langit! "Salamat talaga Lerdine, isa kang blessing! Napakaswerte ko na nakilala kita," sabi nanag humiwalay ako sa kaniya, infairness ang bango niya ngayon o sadyang nag-iba lang talaga yung taste niya sa perfume. "You can take your friends with you, pagpahinga muna kayo sa loob ng isang buwan tapos, tatawagan kita para makapagsimula na kayong magtrabaho," sagot niya naman, jusko alam kong magwawala yung mga tuko dahil sa magandang balita, pero napakagat ako sa labi ko nang maisip ko kung anong posibleng hingin ni Lerdine na kapalit. "I know what you're thinking Ari, hindi naman kita pipilitin na maging akin kung ayaw mo, isa pa masyado pang maaga para sa mga ganiyan pero alam mo namang simula pa nung makilala kita gusto na kita, alam ko na dadating rin yung panahon na mapapasakin ka, iba na ang takbo ng mundo kung hindi ka praktikal mag-isip hindi ka aangat," seryoso niyang sabi saakin. Napatitig ako sa kaniya, damn. Akalain mo ‘yun. Expect the unexpected talaga! Isusupalpal ko talaga sa dalawa mamaya ang offer ni Lerdine saamin. Sa kabila ng pakikitungo nila sa kaniya ay kabutihan pa rin ang binibigay nito saamin. Napatingin si Lerdine sa wrist watch niya then he clicked his tongue na para bang na late ito, nahuli niya na nakatingin ako sa kaniya. "I have to go. See you after a month Ari, bye." “Sige Lerd, salamat ulit. Bye,” sagot ko naman sa kaniya tsaka naglakad na siya papalayo saakin, kaya nilingon ko na rin sina Mama sa kinatatayuan nila kanina pero wala na sila, saktong tumunog yung phone ko. New Message from: Rezelle Gurl! Nandito na kami sa inyo busy ka masyado sa jowa mo kaya nauna na kami HAHAHAHA chibugan na diz Ps. Punta kana agad dito walang taga-hugas ng plato HAHAHA
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD