Ariane Sa sumunod na umaga ay kunot-noo ko namang tinitigan ang nilalang na nakaupo sa sofa namin. Ilang beses ko pa ngang ikinurap ang mga mata ko upang masigurado na hindi ako nananaginip. “You’re not dreaming babe, ako lang ‘to ang nag-iisang Cleo sa harapan mo,” buong pagmamalaki niyang sabi sa akin kahit pa hindi ganun kaganda ang accent ng tagalog niya. Matagal ko siyang tinitigan bago ako mahinang natawa. She pouted bago siya tumayo at nalakad patungo sa akin tsaka ako mahigpit na niyakap. “I miss you babe,” bulong niya. “Oy, Cleo hindi pa ako naliligo. Naku, mahahaluan ng hindi kaaya-ayang amoy ang mabango mong katawan,” nahihiya kong sagot sa kaniya at pinipilit na hindi gaanong ilapit ang katawan ko sa kaniya. “You deserve this hug no matter what the circumstances is, so s

