2019 HERA’s POV Hindi ako kuntento na sa video call ko lang siya nakikita at sa monitor ko lang na may picture niya ang nahahalikan ko. Miss na miss ko na si Jae Hyun. Umiiyak ako gabi-gabi at tuwing matatapos ang tawag namin. Para akong gagang hindi mabubuhay nang wala siya, samantalang ako itong may gustong iwan siya sa Korea para makapag-isip na din siya ng mabuti. Noong umuwi ako sa Pilipinas, isang buwan pa ang hinintay ni Mama bago niya ako kausapin ulit. At halos magmakaawa pa ako noon para lang makipag-ayos na siya sa akin. Literal na para akong outcast sa bahay kaya minabuti kong huwag na munang banggitin ang tungkol kay Jae Hyun. Baka mas mapalayas ako. Tapos nang magkabati na kami, sinabi niyang mangako akong hindi na ako aalis at dito na lang ako magtuturo. Siyempre nangako

