JAE HYUN'S POV
Han Ye Ri is now officially my fianceé, hindi na mababago iyon ng pagpo-protesta ko kahit ang totoo, naiwan sa kamay ni Hera ang puso ko. It was a stupid move. Hindi si Ye Ri ang pangarap kong makasama habambuhay lalong hindi ko gustong maging Nanay siya ng mga anak ko pero andito na ito. Kahit hindi ko siya type dahil hindi naman siya attractive enough, kailangan ko pa ring sumunod sa script. This is our first time meeting the public as an engaged couple. Kung alam lang nila, mas maganda ang Hera ko sa babaeng ‘to.
Ito ang unang beses na nagkakilala kami ni Ye Ri at nagkita ng personal, nakakabaliw lang na engagement na agad. Kunsabagay, ilang beses ko bang iniwasan ang pagkikita namin noon? Hindi ko na mabilang.
Wala akong ibang nararamdaman ngayon kung hindi ang galit at pangungulila kay Hera.
I lied to my girlfriend about Ye Ri because I have no intentions of marrying this girl. And I am deeply sorry for Hera. Nangako ako sa kanya na mamahalin ko siya
Noon, sobrang maloko ako sa babae. Inaamin kong madami na akong sinaktan. Pero nang dumating ang teacher na 'yon sa buhay ko, tinuruan niya akong magmahal ng totoo. Kung hindi lang dahil sa pesteng tradisyon at obligasyon ko sa pamilya --- isama nang na-blackmail ako ng Eomma ko, hinding-hindi ako papayag na magpa-engage sa iba. I will always choose that crazy Pinay who made me fell for her sulkiness.
Nasa kalagitnaan ako ng press conference kasama ang babaeng pinili para sa akin ng pamilya ko. I used to be defiant towards how my parents control my life, pero ngayon tahimik lang ako. Si Hera lang ang nasa isip ko ngayon. Naroon pa kaya siya sa apartment? Kung wala siya duon, nasaan kaya siya ngayon? Is she thinking about me too?
Noong huli kaming nag-usap, pinaniwala ko siyang wala na akong nararamdaman para sa kanya. I made it clear that I am giving her the apartment. Pero baliw si Hera. She decides on her own and never listen to anyone besides her mom and sister. She can definitely leave me forever. That's for sure. At hindi ko alam kung kaya kong pigilan ang sarili kong halughugin ang buong South Korea, kahit ang buong mundo, makita ko lang siya ulit. Dahil kahit madami pa akong kapamilya, kaibigan at mga tauhan, hindi ko pa rin kayang mabuhay nang wala siya.
°°°
HERA'S POV
Ilang linggo na ang nakalipas mula nang mangyari ang engagement ni Lee Jae Hyun, ang nag-iisang heredero ng Lee Group of Companies --- isang conglomerate na siyang halos nagpapatakbo sa buong South Korea dahil sa taas ng tax na binabayaran ng buong kumpanya --- at ni Han Ye Ri na pangalawang anak naman ng Volant Motors. They look so good together. Hindi ko mapigilang makaramdam ng pait habang nakatitig sa screen ng phone ko sa picture nilang dalawa.
Ilang taon nga ba akong nagpakatanga sa kanya? Ah... Apat na taon. Kasama na ang buwan ng pagiging private tutor niya at ang dalawang taon ng LDR.
I was so stupid to think that a god like him will truly love a girl like me.
Ako si Geraldyn Chen. Isang bastardang Chinay na ayaw kilalanin ng Papa kong Intsik dahil babae ako. At nabiktima ako ng kamandag ni Lee Jae Hyun. Pinaibig, pinangakuan, pinaglaruan at sinaktan. Ganoon ang ginawa niya sa akin sa kabila ng pagmamahal ko sa kanya ng totoo. Ipinaglaban ko siya kahit sa pamilya ko. Pero ano’ng ginawa niya? Iniwan niya ako.
Siguro nga, magkaiba lang kami ng gusto sa buhay. I really wanted to live quietly as a pre-school teacher here in Korea and he must always want to succeed the throne of his father.
Literal na prinsipe si Jae Hyun dahil ka-blood line nila ang huling royal family ng Korea.
Wala na ngang kaharian sa Korea pero dahil sa yaman nila, parang ganoon na din 'yon. At sino ako para magmahal ng isang royalty? Sa Pilipinas, online seller lang ang Nanay at Ate ko. Ayaw pa sa akin ng Papa kong Chinese Businessman. Wala akong ibubuga kay Han Ye Ri dahil hindi kami magka-uri. At sawa na akong maging pusher. 'Yung taong laging ipinu-push ang nararamdaman. Ilang boyfriends na din naman ang dumaan sa buhay ko at lahat sila hindi para sa akin. Kaya nagdesisyon akong manatiling single hanggang sa pagtanda ko. I still have my family, friends and students anyway. Hinding-hindi ako mag-iisa.