"WHAT the hell was that? Making me jealous? At nakuha mo pa talaga mang-asar, ha?" Dumagundong ang boses ni Benedict pagkarating na pagkarating nila sa parking lot. Halos hingalin siya sa ginawang pagkaladkad nito sa kanya. Damn her stilletos. And damn Benedict for dragging her that way. "Ano bang iniisip mo? We're just talking," depensya niya rito. "Childhood friend ko si Tonyo. Nakasalubong ko lang siya kanina. Normal lang na mag-usap kami." "What?" nangunot ang noo nito. "Y-you know Anthony?" "Oo. Kababata ko siya." "And what are you two doing there? Reminiscing the past?" Napailing at natawa na naman na siyang ikinairita lalo ni Benedict. "Kaibigan ko siya. At wala naman masama kung mag-usap kami about sa nakaraan. Matagal din kaming 'di nagkita. At wala akong nakikitang mali ro

