Ang anak ni Adam at Sienna na si Amero ay lumaking matulungin sa kapwa lalo na't sa mga batang ulila tulad ng magkapatid na sina Detus at Deus isa sila sa mga natulungan ni Amero. Si Amero ay kasalukuyang nasa bahay ampunan kasama ang mga magulang niya habang namimigay ng school supplies sa mga bata sa bahay ampunan. “ Mr.and Mrs Rodriguez, salamat sa lahat ng naitulong niyo sa mga bata. Kami ay taos pusong nagpapasalamat sa inyong kabutihan. Sana ay pagpalain kayo ng diyos,”masayang sambit ni Sister Rosa habang pinagmamasdan ang mga bata. Lumingon ang mag-asawa sa kaniya. “ Walang anuman, ginagawa lang po namin ang aming tungkulin sa mga batang tinutulungan ng anak naming si Amero. Si Amero ay isa sa mga nagdi-distribute sa mga bata ng school supplies kasama ang ibang mga madre at staff

