Sienna's POV Sumapit ang alas kwatro ng hapon natapos narin ang party kaya nagsi-uwian na ang mga bata namin. Nagpaalam narin sa amin si Yuros at agad akong pumasok sa loob ng bahay Ang iilan sa mga kasambahay nina tita kaka ay naglilinis sa venue. Paakyat ako ng hagdan papuntang ikalawang palapag nang tawagin ako ni Chloe. Agad ko siyang nilingon. “May kailangan ka sakin sis?”tanong ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin at saka may inabot na maliit na box. “Ano ito? Anong laman nito?”takang tanong ko at sabay itong binuksan. Nanlaki ang mata ko sa gulat nang bumungad sa akin ang isang bracelet. “Para saan ito? Bakit moko binigyan nito sis?”takang tanong ko habang nakatingin sa kumikinang na bracelet. Ang bracelet na ito ay nagkakahalaga ng dalawang milyong piso. Kaya nagtataka tala

