Third Person's POV Nanghihina si Adam habang nagmamaneho pauwi sa resthouse kung saan ang totoo niyang mag-ina. Hindi matanggap ni Adam ang natuklasan niya tungkol sa pagtraydor ng ama't asawa niya sa kaniya. Lalo na't nalaman niyang hindi niya tunay na anak ang kambal na sina Akasya at Aki. Hindi niya alam kung paano niya maipapaliwanag sa mga ito ang katotohanan na hindi siya ang ama ng mga ito. Mahal na mahal niya ang mga 'to ngunit hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Pagdating ni Adam sa resthouse niya. Agad siyang sinalubong ni Sienna habang ang mga mata nito ay namumugto. “ Si Amero, kasama mo ba ang anak natin ha?”bungad sa kaniya nito. Imbes sagutin niya ito ay niyakap niya si Sienna nang mahigpit. Halos labing-limang taon siyang niloko ng asawa't ama niya. Sa ta

