Third Person's POV Nang maikulong ni Adam ang dalagang kasambahay niyang si Yana dumiretsong umuwi siya sa kanilang mansyon. Pagdating nila dun, ay sinalubong siya ng kaniyang mga kinilalang mga anak. “ Dad, can we talk?"bungad ni Akasya sa kaniya nang makababa siya ng kotse. “ Sure, ano ba yon?”sagot niya at naramdaman niya ang pagkailang dito. Dahil hindi na niya ito pwedeng tawaging anak dahil kapatid ang mga ito sa ama. “ Dad, may nagawa po ba kaming kasalanan sayo? Kaya't nagbago nalang bigla ang pakikitungo niyo sa amin?”nang sabihin iyon ni Akasya ay may tumulong luha sa kaniyang mga mata. Nasasaktan si Akasya sa malamig na pakikitungo ni Adam sa kanila. Hindi nila alam kung saan sila lulugar. Hindi agad makasagot si Adam,nagdaldalawang isip siya kung sasabihin ba niya ang totoo

