Chloe's POV Hanggang sa makarating kami sa mall ni Sienna ay lihim parin akong napapangiti sa pangalan ng isa sa mga kaibigan ni Zao. Grabe talaga ang epekto sa amin ni Sienna ang pangalang iyon. Bumili si Sienna ng kaunting pants nito,at pampatulog na damit. Luminga-linga ako sa buong mall, at hindi ko mapigilang mapamangha sa sobrang ganda at laki nito at muli kong nabasa ang word na Chivalry, don sa shopping bags na tinanggap ni Sienna mula sa counter. Saan ko ba iyon nakita ang pangalang iyon sa cavite. At muli kong binalikan ang alaala ko sa nakaraan ngunit di ko talaga alam kung saan ko iyon nakita. “ Natutulala kana naman diyan, sis? Okay kalang ba talaga?” agad akong nabalik sa wisyo at tumingin sa kaniya. O-okay lang ako, sis.”nauutal kong sagot sa kaniya. “Naalala mo parin

