Nakaligtas sa aksidente ang magkapatid na sina Sienna at Chloe. Nag-aagaw buhay ang dalagang si Chloe at ni-revived siya ng mga doctor. Fifty-fifty ang buhay nito mabuti na lamang ay lumaban siya. Nilabanan niya si kamatayan. Walang masamang nangyari sa kaniyang anak, napuruhan lamang ang ulo nito sa lakas ng impak ng pagkakabangga nito sa isang kotse. Ang puso ng binatang si Zao ay dinudurog ng pinung-pino habang pinagmasdan nito ang kaniyang inibig na ni-rerevive ng mga doctor. Tagaktak ang pawis ng dalawang doctor at nurses na nagrevive sa dalaga hanggang sa naging normal ang t***k ng puso nito. Kasalukuyang inilipat ang dalawang pasyente sa repective room. Nasa iisang kwarto ang magkapatid. “ Salamat at bumalik ka sa iyong katawan,”mahinang bulong ng binata sa kaniyang sarili.

