Tatlong araw na nakalapis wala parin oras si ser kay yen dahil sa tinatapos niyang importante documento. nagawa din nila mag usap minsan ni yen peru nag uusap lang ito about sa mga tinatapos na documento.. si marvin naman araw araw siya nagpapa deliver ng pagkain para ky yen.. tinatanggap naman ni yen dahil nahihiya ito tanggihan kay marvin.. at dahil narin naawa si yen kay marvin kaya kapag nag tatanong si marvin sa kanya ito ay sinasagot niya..
busy sila ngayon sa opisina dahil last day ng buwan ngayon kaya marami silang tinatapos at dahil nadin sa utos ni ser sakanila kaya focus sila sa trabaho nila.
na late naman si yen ng 1 hour kaya pasado 9am na sya nakarating sa opisina dahil pinuntahan niya ang kanyang business shop bags sa mall kasi pag end of the month kinukuha niya ang sales report.
pagdating niya sa opisina tinitingnan siya ng mga ka workmate niya..
" pasensya na nalate ako dahil my emergency lang"..
" anu kaba ok lang yun! pumunta kana sa table mo".
nakangiti si jas na parang kinikilig habang sinagot niya si yen. kaya ngumiti rin si yen, at dumaretso ito sa table niya. tiningnan niya si marvin una peru nakatingin lang si marvin sa computer niya,. tumingin naman ito kay len at binati niya ng goodmorninh.. nakatitig naman si len na parang kinikilig at sinagot din ito ng goodmorning. kaya nagtataka si yen bakit sila ganun. dumaretso si yen sa table niya at nakita niya na may boquet flower nakapatong sa kanyang keyboard ng computer. kaya nagulat si yen sa nakita niya na parang hindi niya mapaliwanag kung anu ang naramdaman niya.. dahil paborito niya ang puting rosas na bulaklak inamoy nya ito na my halung ngiti at saya.. dahil ang nasaisip niya galing ito kay ser at iba lang nag deliver para hindi malaman na galing sa boss nila. hindi niya alam na galing pala ito kay marvin..
" my secret admirer yata ako ngayon!..
masaya na sinabi ni yen na parang kinikilig ito..
" oy! sana ako din.. nagustuhan mo ba? "..
tanung naman ni len na parang masaya na may halung inggit..
" syempre sa buong buhay ko kasi ngayon lang ako nakatanggap ng bulalak at yung paborito ko pa talaga".,
" sa ganda mo nayan? wala pa my nanligaw sayo? at nag bigay ng bulaklak".,
"marami nanliligaw dati. peru hindi ko naman sila pinapansin kaya isang araw na ligaw lang tapus na! marami din my nagbibigay sakin na hindi ko alam kung kanino galing"..
"tinatanggap mo naman yung binibigay".,
" oo naman syempre. na appreciate ko kasi lahat yun.. ayaw ko naman ibalik importante tinanggap ko kahit sa ganoon paraan masayahan sila. merun nga nag bigay sakin chocolate yung barnuts at mikmik alam mo yun? haha..subrang saya ko kasi natikman ko yung mikmik kinain ko lahat "...
"hahaha! ngayon ba masaya ka sa natanggap mo?"..,
"oo naman subrang saya ko!. kung sino man nagbigay sakin kinikilig ako subra ".,
" what? hindi mo pa ba alam kung sino nag bigay ng bulaklak sayo ngayon?".
"bakit alam mo ba?".,
" anu kaba yen! alam mo naman na si marvin nanliligaw sayo! natural sakanya galing!"..
Nabigla si yen sa sinabi ni len. napatingin si yen kay marvin at nakangiti si marvin sa kanya na kanina pa si marvin nakikinig sa usapan nila. hindi naman nakapagsalita si yen, dahil hindi niya talaga naisip na kay marvin galing dahil akala nito galing kay ser. nahihiya si yen na parang nadismaya ito ng malaman galing ky marvin.
" thank you marvin!"..
sinabi ni yen ky marvin habang my pilit na ngiti sakanyang labi. bigla niya lang pinatong ang rosas sa gilid at inopen ang kanyang computer..
"your welcome yen! thank you dahil nagustuhan mo"..
sagot ni marvin kay yen. hindi naman nakapagsalita si yen dahil focus lang ito sa computer. kaya umupo nalang si marvin at tinapos ang trabaho..
Tanghali na at busy parin ang lahat. tiningnan ni yen ang relo ya at alasdose ng tanghali na ito. kay tumayo si yen kinuha niya ang kanyang bag at nagpaalam kay len.
" len kain na muna ako. gutom na kasi ako eh. pwedi ba?".,
" sure! sige. dito lang ako kakain my baon kasi ako".
kaya umalis na si yen. hindi na niya tiningnan si marvin dahil baka sasamahan siya nito nag paalam narin siya kay jas. kaya dali dali siya lumabas baka masundan siya ni marvin. paglabas niya dumaretso ito sa ibang restaurant na hindi alam ni marvin. hindi alam ni yen kung tatangapin niya ba ang rosas. kaso pag hindi niya natanggap masasaktan si marvin. at hindi rin masabi ni yen kay marvin na hindi siya ang gusto nito. naawa kasi si yen kay marvin dahil sa mga nangyari dati ky marvin kaya ayaw niya na masaktan niya ang loob ni marvin..
natagalan si yen sa restaurant dahil sa kakaisip at hindi ito makakain ng maayos. bumalik na si yen sa opisina dahil 1pm na. dumaretso lang si yen sa table niya sa opisina at hindi pinansin kahit sino man. nasa computer na siya at focus lang ito sa ginagawa niya..
Subrang bilis ng oras kaya alas tress na ng hapun. busy parin ang lahat sa trabaho. napahinto naman si yen at tiningnan niya si marvin.
" marvin! wag kana mag order ng pagkain please. busog kasi ako. masasayang lang pera mo. ok?".,
sinabi ni yen kay marvin. dahil napaisip ito si yen na tuwing alas tress my delivery na pagkain galing kay marvin. narinig naman ni marvin tumingin lang ito ky yen at tumango. kahit hindi na si yen nakatingin sakanya..
bigla naman nagulat ang lahat dahil bumukas ang pinto sa silid ng opisina ni ser. at sinabihan niya si jas na..
" jas Mag order ka ng kfc burger, fries at drinks meryenda nyu lahat!",.
malakas na sinabi ni ser rinig ng lahat kaya subrang saya nila at sabay sabi salamat ser. dumaretso naman si ser papunta sa table ng Lahat at kinamusta ang pinagawa nito kng tapus na.. dumaretso din sya sa table ni yen para tingnan ito at makita siya kasi tatlong araw na subrang busy si ser halos hindi na sila nag'uusap.. lumapit si ser kay yen peru si yen kunwari naka focus lang sa computer. at bigla naman napatigil si ser sa harapan niya dahil nakita ni ser ang bulaklak.
" saan mo naman nabili ang bulaklak na ito?".
hindi nakasagot si yen sa tanung ni ser. kaya si len ang sumagot ng dalidali.
" galing po yan sa manliligaw niya ser!"..
sabi ni len kay ser. kaya nagulat ito na parang may halong galit at tinitigan ito ng masama si yen.
"at sino naman ang manliligaw mo yen!?"..
mahinahon na tanung ni ser na parang hindi siya mahalata ng lahat na galit ito. hindi naman nakasagot si yen dahil kinakabahan na hindi niya alam kung anu sasabihin niya nagusto niya e explain ang lahat peru hindi niya magawa dahil baka mahalat sila.
binalik ni ser ang tingin nya kay len. para si len ang sumagot..
" galing po yan kay marvin sir! nanliligaw kasi ky yen"..
habang masaya na sinabi ni len na may halong kilig..
"ahh.. ganun ba ok!"..
sagot lang ni ser ky len naparang inis na inis ito. gusto niya suntukin si marvin peru pinipigalan niya ang sarili niya. tinitigan niya lang si marvin ng masama peru nakatalikod si marvin. kaya binalik noya ang tingin niya kay yen na parang inis na inis ito at si yen naman natatakot dahil sa mga tingin ni ser. kinuha ni ser ang ballpen at isang sticky notes sa harap ni yen at may sinulat..nilagay ni ser ang sticky note na my sulat niya sa table ni yen at umalis ito..
binasa ni yen ang sulat at nakalagay..
" wag kang uuwi ngayon na hindi ako ang kasama mo!"..
kaya takot na takot si yen na hindi niya alam ang gagawin niya.. gusto na niyang umuwi peru hindi niya magawa dahil pag uuwi siya maslalo magagalit si ser. kaya hinintay niya ang 5pm hanggang umabot siya ng 7pm nakalabas na ang lahat siya nalang ang natira sa opisina at ang janitor na naglilinis. hinihintay ni yen na lumabas si ser sa silid nito. at hindi nagtagal lumabas si ser tinitigan siya ng masama at umalis. kaya dali dali ni yen kinuha ang bag niya at umalis narin.. papasok na si ser sa elevator at si yen mabilis ang lakad para maabutan niya si ser kaya naabotan niya ito at sa elavator.
" anu kaba! sabi mo hihintayin kita! iniiwan mo naman ako!"..
galit na sinabi ni yen kay ser. peru hindi siya pinansin ni ser galit parin ito. bumaba na sila ng building at palabas na sa exit dumaretso si ser sa parking area at si yen nakasunod ito sakanya. onopen ni ser ang kanyang kotse at sumakay ito at pinaandar niya. peru si yen sa hindi pumasok nakatingin lang sa kotse kaya lumabas si ser sa kotse
" sakay na!".
galit na sabi ni ser. kaya sumakay si yen sa kotse. subrang dilim na at mabilis ang pag mamaneho ni ser. hindi niya alam kung saan sila pupunta. gusto ni yen tanungin si ser peru hindi niya ito magawang tanungin.. dumaretso sila sa harap ng beach sa madilim na banda at walang tao. bigla hininto ni ser ang kanyang pag mamaneho. at tiningnan ng masama si yen.. at bigla niya ito hinalikan sa labi at.......