Kabanata 40 Will Make Ngayong araw ay napagdesisyonan kong tumambay muna sa bahay nina Mary at Adam. Papunta ngayon dito si Nice dahil Sunday naman. Si Mary ay kumakain ng hilaw ng mangga at sa kabilang kamay naman niya ay ang mango ice cream. Sarap na sarap siya sa kanyang kinakain na parang hindi niya kayang mabuhay nang wala ang mga ito. Kumunot ang noo ko nang marealize ang kanyang pinapanood. BEN10 ito. "Are you sure?" tanong ko sa kanya. Tumigil siya sa saglit sa pagkain. "Ano?" "BEN10? Really?" "Yes. I am studying his movements to fight against monsters." Napahalakhak ako sa kanyang sagot. My goodness Mary! Hindi pa ba ito tapos doon sa aswang-thing ni Race? Bumaba ang tingin ko sa kanyang damit. She's wearing nothing but black. Mula sa kanyang haltered top at leggings. "Mar

