Kabanata 42 Love Madilim na ang kanyang kwarto. Alas dos pa lang ng umaga. Kung binilang ko lang sana ang buntong hininga niya ay siguro umabot na ito ng isang milyon. But of course, that's exaggeration. Palihim ko ding pinapagalitan ang aking sarili dahil sa biglang pagsabog ko kanina. May mali ako, ako ang sensitive, nadamay pa ang laptop niya sa pagkasira. Or else... O baka naman dahil sa laptop niya kaya hindi siya makatulog? Baka nandoon ang mga pictures nila kaya nanghihinayang siya? Well pwede pa naman magamit ang hard drive niya doon e. "Kung nanghinayang ka laptop mo dahil nandoon ang mga pictures mo, I can buy you another one." Bullshit. Here I am again. Ugh! Hindi ko na kayang itago pa ang insecurities ko kay Andrea kahit hindi ko pa siya nakikita sa personal. Dahil t

