Kabanata 38 Paano Kaya Hindi ako nakakain ng maayos dahil sa pagiging madaldal ni Mary. Nawalan din ako ng gana dahil sa walang tigil na pagsulyap ni John sa akin. "Like I said, nasa plano ko na ang baby shower ko at bridal shower. Kayong mga boys, magparty din kayo." Nakangiting sabi ni Mary kay Adam. "Baby, hindi na ako magpaparty. What's the point? Unang kita ko pa lang saiyo, wala ng iba. Kahit noong hindi pa kita inayang magpakasal sa akin ay nagpaalam na ako sa pagiging binata ko." para akong kinilig sa sinabi ni Adam dito. "Kainis ka! Wag mo akong pakiligin sabi e." naiiyak na sabi ni Mary kay Adam. "I really love you Mary. Never doubt. You were my only experience." Ngumiwi ako sa sinabi nito. Good for Mary that She's the only experience of Adam. Bihira lang akong nakak

