Kabanata 34 Move Arcise: Sorry about that. Kinuha ni John ang aking cellphone. Damn! Napapikit ako. Ano na? Ano ang erereply ko? Tang! "Okay ka lang?" tanong ni Mary dito sa aking tabi. Napaupo ako ng maayos. "I'm fine. May naisip lang ako." alibi ko dito. Tumango siya at binalikan ulit ang TV. Binalikan ko din ang aking cellphone. Arcise: Still there? Napalunok ako. My mind is somewhere. Ako: I'm here. May inasikaso lang. Yeah... yeah. Nice try Fhella. Arcise: Anong inasikaso mo? Napakagat labi ako. Baka nakikibasa pa din si John dito. May kung anong umilaw sa aking utak. Tama! Napangiti ako ng malademonyong ngisi. Ako: May date ako. Abot langit na ang ngiti ko ngayon. Para na akong baliw. Bahala siya kung ano ang isipin niya. Nek

