Kabanata 29 Experience Hindi lang ako ang tulala sa nangyari kung hindi pati na din ang kanyang kaibigan. Para siyang nagulat nang makita ako at ilang segundo pa ang dumaan bago siya nagsalita. "I'm sorry. How may I help you?" Ilang mura na ang binibitiwan ko sa aking isipan. Bakit ako nandito? Kung bakit ba naman kasi hindi ko tinanong muna si Dayana kung sino ang pinsan niya. Eto na naman ako sa pagiging padalos-dalos ko sa aking mga desisyon. Hindi ko alam kung kilala ba niya ako o ano pero duda ko ay parang hindi. Kahit kailan ay hindi kami nagkausap o naging magkaibigan two years ago. Ako lang ata ang nakakilala sa kanya. "I'm applying Sir." Kinakabahang sagot ko. "I see. I'm sorry kanina nagulat lang ako nang makakita ng babaeng aplikante." "May dalawang aplikante na tayong

