Kabanata 2

1553 Words
Kabanata 2 Fred   Ngumiti ulit ako sa harapan ng salamin. I need to stand perfectly today dahil magkikita kami. Hindi ko alam kung gaano ako kabait at biniyayaan ako ng panginoon ng pagkakataon. Si Fred ang guest speaker namin ngayon sa aming seminar. Inayos kong muli ang aking bra at gusto kong mapansin niyang sexy ako at bagay kami. Nang makita ko ang sarili kong magandang-maganda na ay lumabas na akong CR. Dumiretso akong harapan at umupo. Nasa aking tabi ang workmate kong si Bluelle.  "You look different." Komento niya sa akin. Nginitian ko lang siya at tinanguan. "I need to be." "Let me guess, it is about Fred?" lumaki ang ngiti ko sa kanyang hula. "How did you know?" "You're very obvious, Fhella. Sinong hindi makakapansin? Isa pa, pinsan ko si Nice." Oh yes. I remembered. Magkadugo pala ang isa kong kaibigan at itong si Bluelle. Tumahimik na kami nang magsimula na ang seminar. Napalunok ako sa pagdating ni Fred sa may mini-stage kasama ang matandang may-ari ng kompanyang tinatrabahuan ko. Tumingin siya sa aming lahat at napadasal akong sana tumingin siya sa aking gawi at natupad agad ang dasal ko. Kinagat ko ang labi ko at ngitian siya. Nakita kong nagulat siya sa ginawa ko pero gumanti din ng ngiti sa akin. Tumango siya sa akin. Oh s**t! Napansin niya ako! Napansin niya ako! I need to see the mirror now! Gusto kong makita ang mukha ko dahil ramdam kong nag-iinit na ang aking pisnge. "You're obvious as s**t, Fhella." Narinig kong sabi ni Bluelle sa aking tabi. Wala na akong pakialam kung obvious ako. Ang akin ay mapansin lang niya. Gracious! Natapos ang kanyang speech at inulanan niya ulit ako ng ngiti. His eyes were communicating with mine. Like he wanted to talk to me in private. I need to make a move. Tumayo ako at lumabas ng conference room. Insaktong sumunod siya sa akin at libo-libong sako ng pagpipigil ang isinumpa ko sa panahong ito. "Fhella, right?" aniya nang makalapit siya sa akin. Naamoy ko din ang bango niyang pangmayaman. "Yes. And you must be Fred." Hindi ko maintindihan ang kalabog ng aking puso. He knows my name at hindi ko alam kung bakit. "You know, I've been looking for a wife. And when I saw you, I know I have found the woman who I wanted to marry." *** And it was perfect. Like a perfect fairy tale. Tatlong buwan kaming nagdate at bigla niya akong inaya ng kasal. At dahil mahal na mahal ko siya, umoo agad ako. I can't believe this! I am marrying the man of my dreams. Kinontak ko ang aking mga kaibigan at ibinalita sa kanila ang good news... but life isn't always on our side. Nagalit sila sa akin dahil padalos-dalos daw ako. Bakit nga raw biglaan. Hindi nila ako naiintindihan. Pangarap ko si Fred!  Kaya ang nangyari, hindi na nila ako kinausap o pinansin. Hindi sila boto sa amin. Anila, I don't deserve their blessing. Pinuntahan ko si Mommy pero nagalit lang siya sa akin. Napabuntong hininga ako. No one will stop our love, kung ayaw nila sa amin ni Fred ay wala na akong pakialam. *** Kami na mismo ang naghanda sa aming kasal. Walang ni isa sa mga kaibigan ko ang pumunta. Malungkot ako pero pinapasaya ako ni Fred. Tutul talaga sila sa aming pag-iibigan ni Fred. At ngayon, nagdududa na ako kung kaibigan ko ba talaga sila o ano. Hindi din kami nagpapansinan ni Mama. Tatlong araw na ang nakalipas nang ikasal ako kay Fred. Naging sekreto ang kasal namin. Aniya, ayaw daw niyang pakialaman ng media ang kanyang personal na buhay. Kaya naman, bilang lang ang tao sa kasal namin. Hindi nga umabot ng bente e. Isang pastor ang nagkasal sa amin na siyang kaibigan daw ng kanyang pamilya. Nandoon ang kanyang pamilya, samantalang sa akin, ay ni isa wala. But it's okay. As long as I have Fred, I am more than okay. "Are you okay?" tanong ni Fred sa akin. Pinalibot niya agad ang kanyang kamay sa aking beywang. Nasa condo na kami nakatira. "I'm fine." Sagot ko at nginitian siya. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin at hinalikan ako ng mababaw. Saglit lang iyon. At isa ito sa mga tanong ko sa aking isipan. Hindi pa kami naghoneymoon at hanggang halikan lang kaming dalawa. I know hindi ko pa siya kilala nang lubusan ng pakasalan ko siya pero nanininawala akong makikilala ko din siya dahil asawa ko na siya at mahal ko siya. Kung ano man ang masamang bagay meron sa kanya ay tatanggapin ko. "Matulog ka na. Pupunta kami ng Davao ngayon. Land trip ang gusto ng mga kasamahan ko kaya aabutin kami ng walong oras sa biyahe." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Bakit ngayon mo pa sinabi ito sa akin?" "Ngayon pa kasi ako nasabihan ng aking mga kasamahan." Nalungkot ako sa sinabi niya. It means, mag-isa lang ako sa bahay ngayon? I sighed. "Don't worry baby, pagbalik ko ay babawi ako sa iyo." Aniya at sinusubukang pawiin ang lungkot ko. Tumango na lang ako sa kanya. "Basta mag-ingat ka ha." Pumasok siyang banyo at naiwan ako sa kama namin. Tumunog ang kanyang cellphone at kinuha ko ito.   Roy: See you.   Napasimangot ako sa aking nabasa. See you? Bading ba ang kaibigan niyang ito? Binaba ko na lang ang cellphone niya at humiga sa kama. Sa totoo lang, I miss my friends and Bluelle. Pinaresign ako ni Fred sa kompanya pagkatapos ng aming kasal at naging house wife ako ngayon. Kinuha ko ang cellphone ko sa drawer at hinanap ang number ni Mariz. Kamusta na kaya sila? Galit pa kaya sila sa akin? Ibinalik ko na lang ulit ang cellphone ko sa drawer. I know. They hate me know. They'll think I'm desperate of love. Dalawang araw na at hindi pa nakauwi si Fred. Tumawag siya sa akin kanina at nasa Davao pa nga raw sila ng mga kasamahan niya. "Is this all Ma'am?" tanong ng cashier sa akin. "Yes, please." Bumili ako ng vegetables. Wala na kaming stocks sa bahay kaya napasulong ako sa SM. Binaba ko ang mga supot kong dala at binuksan ang pinto. May narinig akong kaluskos sa loob ng banyo. Sumaya bigla ang puso ko. Nandito na si Fred? "Baby?" sigaw ko. "Yes, baby. Saglit lang." Oh my gosh! Nandito na nga siya. Oh my god! Binaba ko ang dala kong supot sa kitchen counter at dumiretsong silid namin. Niligpit ko ang pants niyang gamit. Nanlaki ang mata ko nang makakita ako ng supot ng condom na walang laman sa loob ng bulsa nito. Hindi ko alam pero biglang tumulo ang luha ko at nanlamig. Agad ko ding pinunasan ang aking mata dahil bumukas ang pinto ng banyo. "Hi, baby." Aniya sa akin. Pilit ko siyang ngitian. I don't know what to feel. "I miss you." Aniya at hinalikan ako sa aking leeg. "You smell so good." Umiwas ako sa kanyang halik at hinawakan ang kanyang magkabilang pisnge. "I miss you too. Pero magluluto muna ako ng ulam at nang makakain ka na?" Tumango siya sa aking sinabi. Pinigilan kong mapaluha. Pinigilan kong mag-isip ng masama pero hindi ko magawa. Walang nangyari sa amin dahil napagod daw siya sa biyahe. Hindi ko alam kung anong biyahe na ba ang tinutukoy niya. Palihim akong umiiyak. Mabuti na lang at madilim dito sa loob ng kwarto namin. Nakayakap siya sa akin at alam kong malalim na ang tulog niya dahil sa kanyang hininga. I touched his nose. I hope you are not messing with me, Fred. Dahil kung nagkataon, hindi kita mapapatawad. I grew up with pride and you won't be exempted with that. I will find this out tomorrow at kung niloloko mo nga ako, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang aking pamilya at mga kaibigan. Maaga siyang umalis dahil may trabaho na naman. Naghintay ako hanggang hapon at wala pa din siya sa bahay. I texted him.   Where are you?   Agad siyang nag reply.   Sorry baby. May meeting pa. Hintayin mo na lang ako sa bahay, baby. Oh f**k your meeting, Fred. Inayos ko ang sarili ko at uminom ako ng isang basong hard liquor niya sa ref. Nang mahismasam ako sa pait nito ay lumabas akong bahay. Soot ko ang prada kong kulay pula. Pula din ang aking labi. Pula din ang sasakyang regalo niya sa akin sa aming kasal. Madali akong nakarating sa kanyang kompanya. Binati ako ng mga empleyado niya at ngiti lang ang ganti ko dito. Sumilip ako sa opisina niya at napahinga ako ng malalim nang makitang may meeting nga sila. Gusto ko sanang disturbuhin ang meeting nila pero baka importante ang kanilang pinag-uusapan ngayon. Umuwi na lang ako ng bahay at nakahinga kahit papaano. But one observation is never enough.   Fred: Baby, may party dito sa Markedatanika Bar. Baka matagalan ako ng uwi.   Nang mabasahan ko ang mensahe niya sa akin at nagbihis agad ako. I need to investigate again. Na papranning na ako sa sinapit kong ito. I can't believe bigla na akong naging kawawa ngayon. Hinayaan ko na lang na tumulo ang mga luha ko habang nag apply ako ng lipstick. Pumunta ako sa bar na kanyang sinabi at doon din nasagot lahat ng mga tanong ko sa aking puso. Hayop ka, Fred!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD