ANG naalala ko lamang ay ang pagsusuka ko bago ako, kami umalis. Umalis na kami ni James sa bahay na 'yon. Gusto kong tumahimik lang dahil parang nanghihina pa rin ako sa nangyari. Pero pinilit ko pa rin na itanong sa kaniya kung saan kami pupunta. Sinagot niya naman at sinabing sa hospital. Gusto kong magprotesta ngunit alam kong hindi naman ako mananalo. Sa mga oras na 'to ay maraming bagay ang pumapasok sa utak ko, isa na roon si McLeigh. Bakit bumabalik ang mga ala-ala ko sa kaniya? Ngunit ang nakakapagtaka ay parang unti-unting nawawala. Katulad ngayon, bakit ko ba binabanggit si McLeigh? I remember the time when I just want to be alone and hurt myself because of what he did to me. He left me, at hindi lang ‘yon. May iniwan pa siyang marka sa akin na nasaktan ako ng lubos. San

