"EXACTLY, as I already said, I will recommend you to the finest obstetrician-gynecologist that I know. It isn't impossible if you are pregnant." Paano ko ‘to masasabi sa mga magulang ko? Nakatungo lang ako habang siya naman ay may sinusulat sa isang papel—sinusulat niya yata roon ang pangalan ng ob-gyne na tinutukoy niya. Hindi niya na rin ako bibigyan ng gamot dahil sa pagsusuka’t sakit ng ulo ko. Pinapabalik niya ako pero nang tingnan ko siya sa kaniyang mukha ay parang problemado siya. “May problema ba, Dra. Mathilda?” Hindi ko naiwasan ang mapatanong. Dahan-dahan naman siyang napa-angat ng tingin sa akin. "Didn't you bang your head on something or become stoned? Kasi naghihinala ako, Miss Alonzo, pero hindi ko pa iyon mapapatunayan kung walang mga patunay—I want to do an MRI on

